Mabilis ang pag- arangkada ni Ace para makipag kita sa taong makakatulong sa kanya kung nasaan si Gabbie nang biglang may humarang sa harapan ng kanyang sasakyan. Mabilis na inapakan ni Ace ang preno kasabay ang matinis na alingawngaw na hiyaw ng gulong sa semento. Ang kanyang mukha ay marahas na napasubsob at muntik nang humalik ang kaniyang noo sa manibela kung hindi lang siya maagang nasakal ng seatbelt, na nag-iwan ng hapdi sa kaniyang mga balikat. Mabuti na lang, malakas ang preno ng sasakyan nya, kung hindi, ay siguradong may kalalagyan ang taong nakaharang dito. Naka dipa itong humarap sa kanya habang may ngiting tila nasisiraan ng bait. Ang balingkinitang katawan nito ay tila isang kobrang handang manuklaw ano mang oras. Unti- unting nag dilim ang anyo ni Ace nang mapag tanto kung

