(Klaude POV) "Tori, iha kailan ka pa dumating? "Tanung ni Dad kay Tori. Bumisita siya kasama si Ashley. "Last week pa Uncle kaya lang di ako nakabisita agad dahil inayos ko muna ang mga bagay bagay tungkol sa kalusugan. "Sagot ni Tori. Matagal din ang relasyon namin ni Tori. Akala ko nga noon kami na ang magkatuluyan sa huli hanggang sa nawala siya bigla. Iniwan niya ako nawalang paalam. Wala na akong pakialam sa anu mang nangyari noon. Si Malia lang ang mahalaga sa akin sa ngayon. "Ngayong nandito kana, may plano na ba kayo ni Klaude? "Tanung ni Daddy. Tiningnan ako ni Blaine at Ashley. Tiningnan ko si Tori at nginitian niya ako. "Actually po hindi ko pa naipaliwanag kay Klaude ang dahilan sa pagkawala ko. Kaya ako bumalik para ipaalam sa kanya ang dahilan sa biglaan kong pa

