XELLONIA POV NAPAHINTO na ako sa pagtakbo nang makita kong nakalayo—layo na ako sa aming department building. “Ha! Ha!” Napahawak ako sa aking tuhod nang makaramdam ako ng hingal dahil tumakbo lang naman ako pagkatapos lumuhod ng sira ulo na iyon. Napalingon ako sa pinanggalingan ko. “Hindi lang masama ugali ng boss ni Karen... S—sira ulo rin! Kailangan na siguro ipa—check up iyon!” malakas kong sabi habang hinihingal pa rin ako. Napapunas na lang ako sa aking noo nang maramdaman kong may pawis ako roon. Sino ba naman hindi magkakaroon kung tumakbo ako nang malayo, ʼdi ba? Naramdaman kong nag—vibrate ang aking phone kaya kinuha ko iyon sa bulsa ng aking uniform at nakita ko si Karen ang tumatawag sa akin ngayon. Bumuga muna ako nang malakas at saka sinagot ang kanyang call. “H—hell

