CHAPTER 13

1088 Words
SANTI PO VILL: Call or chat me kapag magpapasundo ka na, Santi. Pinagbigyan lang kitang uminom dʼyan. Huwag kang gagawa ng gulo, okay? Napailing na lang ako sa kakambal ko nang makita ang chats niya sa akin. Ako, gagawa ng gulo? Dapat siya ang pagsabihan ko tungkol doon. Baka nakalilimutan na niya noong first death anniversary ni Penelope, siya ang nakipagsuntukan noong nag—inuman kami kasama ang pinsan at pamangkin namin. Naawat lang siya dahil hinawakan namin ang magkabilang kamay niya, may bangas din ako nang araw na iyon dahil nasuntok niya ako nang inaawat ko siya. Kaya sana okay lang talaga siya? Napailing na lang ako habang lulan na ako nang binook kong TNVS. Nagtitipa na ako ng message ko pabalik sa kanya. Santi: I know. Huwag mo ng ipaalala sa akin! Dumbass! Nakarating na ako sa Flavor of the Month Bar pasadong 9PM. Ang dami ng tao nang makapasok ako. Maingay, iyon ang hinahanap ko ngayon. May lumapit sa akin, isang lalaki na naka—suot ng uniform ng bar na ito. “Good evening, Sir. What can I help you?” tanong niya sa akin. Tinignan ko siya sa kanyang mga mata at tumaas ang sulok ng aking labi. “I need a private room for me. Do you have an available private room for me?” tanong ko sa kanya. Tinignan niya ako at bumalik ang tingin sa kanyang hawak. Hindi ko alam kung ano iyon pero agad din siyang tumango. “Yes, we have an available private room for you, Sir. Besides that do you need something?” He asked me. I know kung ano ang gusto niyang iparating sa akin. “No, thanks. I want food and drinks. Thatʼs what I like. Pakidala na lang sa private room ko. Oh, by the way, whatʼs the room number?” tanong ko sa kanya bago ako umalis sa kanyang harapan. “Private room 204. Nasa right side po iyon, Sir. Enjoy and have fun sa Flavor of the Month Bar!” Tumango ako sa kanya at kinuha ang key card para roon. Lumakad na ako sa gitna kung saan nagmumula ang ingay, marami na ring nagsasayawan. Oh, fudge! I donʼt need that. I want to drink all night! Pumasok ako sa private room ko, nakita ko ang luwag nito at may television pa sa harapan, pʼwedeng magkaraoke, but I donʼt need that. Gusto ko lang ay uminom buong gabi. Hindi rin naman nagtagal ay dumating na rin ang inorder kong food and drinks. Ni—lock ko na rin iyon at nag—umpisa na akong magsaya. “Fudge! I want to be sober!” malakas kong sabi habang tinataas ang bote ng alak na inorder ko. Nagpi—play pa rin ang kantang paulit—ulit kong naririnig kanina pa, ang aming love song, ang Magic Girl. Cheesy? I donʼt care at all! “I think you hit me, girl! I think you arrowed my sleeping heart because of your charming smiles. You are such a magical girl that I can't get out of my mind. You are... A magical girl!” Sinasabayan ko na ang kanta kahit wala ako sa tono. Heto ang song na gusto ni Penelope dahil sa pamangkin kong isa. “You looked into my eyes, and my world almost stopped. Isn't it funny? You're messing up my world because of being a magical girl. Oh yeah! Aren't you tired of running through my mind, please, take a break because I can't take your cuteness anymore. My fate is in your hands, please, make me your magical boy too.” Yes, my Pene, gawin mo rin akong magical boy mo. Iyong lyrics na ito ay nangyari talaga sa amin ni Vill nang makilala namin siya. Huminto ang mundo namin dahil sa kanya. Kaya nang makilala namin sa Penelope ay hindi kami nag—aksaya na ligawan siya. Mahal na mahal namin siya. Handa kaming bitawan ang lahat para sa kanya. Muli kong kinanta ang chorus hanggang hindi ko na napigilang mapaiyak. Tinakpan ko ang aking mga mata gamit ang braso ko. Inilalabas ko lahat ngayon ang nararamdaman ko, lungkot at pagka—miss sa kanya. “My Pene, sobra—sobra na talaga kitang namiss! Fudge! Kung may visiting hour lang dʼyan sa langit, pupuntahan kita. Ganoʼn ka namin kamahal. Mahal na mahal ka namin kaysa sa buhay namin!” malakas kong sabi at muling nilaklak ang bote ng alak na hawak ko. Napailing ako nang makita kong lumalabo na ang aking paningin. Hindi lang iyon dahil umiikot na rin ang paningin ko habang nakatingin ako sa aking harapan, kaya napailing—iling muli ako para mawala kahit pa paano ang hilo ko. “Fudge, mukhang hindi ko kakayanin maglakad, ha?” sabi ko sa aking sarili. “Kailangan kong tawagan si Vill para masundo na niya ako.” Pinikit ko ang aking isang mata habang hinahanap ang name ni Vill. Nahihilo ako dahil sa liwanag. Nang makita ko ang name niya ay pinindot ko na iyon. “Fudge! Answer your phone, Vill!” madiin na sabi ko sa kanya, halos napapapikit na ako. “Santi? Ang aga mong tumawag. Magpapasundo ka na ba?” Finally, narinig ko na rin ang boses ni Vill. “Hmm... Fudge, yeah. Fetch me here, Vill! I want to go home now!” malakas kong sabi sa kanya. Naidilat ko ang aking mga mata pero bigla ko ring pinikit dahil nahihilo muli ako. “Okay! Okay, susunduin na kita!” Napangiti ako nang marinig ang sagot ng kakambal ko. Hindi niya talaga ako pababayaan. “O—okay, Vill. Hintayin na lang kita sa parking lot, okay? B—but, how about may car? Bring Franco, okay? Para siya ang magda—drive ng car ko! ” malakas na sabi ko sa kanya at napasinok ako. Franco is our driver. Driver ni Penelope. “Your car? Lasing ka na nga, Santi. Wala kang dalang car, okay? Iʼm on my way. Huwag kang aalis sa tapat ng Flavor of the Month Bar, okay?” Naririnig ko ang kanyang sinasabi kaya panay ang tango ko sa kanya. Fudge! Lasing na talaga ako. “Okay. Iʼll wait for you, Vill!” malakas na sabi ko sa kanya. Nang matapos ang call namin ay pinindot ko na ang button para sabihing mag—bi—bill out na ako. I want to go home.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD