CHAPTER 7

905 Words
XELLONIA POV NAKATINGIN ako sa paligid habang naglalakad na ako palabas sa Flavor of the Month Bar. Nang marinig ko ang sinabi niyang tatawagan na lang ako, doon ay parang binagsakan ako ng langit at lupa. 50/50 ang chance kong ma—hire nila. Ayon sa narinig ko kanina ay on the spot silang nagha—hire, pero sa sitwasyon ko ay tatawagan na lang ako. Reality check lang tayo. Ang daming ganoʼng scenario na hindi talaga pumapasa. Nakalabas na ako sa Flavor of the Month Bar, nabagsak pa rin ang aking magkabilang balikat nang maalala ko na naman ang narinig ko mula kay Manager Phil na tatawagan na lang ako. Mukhang bad mood na siya dahil konting tanong lang sa akin at tinignan ang paper ko then sinabi agad niya iyon. Unlucky nga ako. Pang—13th applicants pa naman ako. “Argh! Ano ang sasabihin ko, Cathy? Na—50/50 pa ako kung hired ako sa pinagta—trabauhan nila? Hay!” Napabuntong hininga na lang ako. Ang tagal mong naghintay sa pila kanina tapos hindi pala sure kung tanggap ako. Isama pang magha—hatinggabi na. Paniguradong pagagalitan ako pag—uwi ko. “Sinabi pa niya kanina na ang ganda—ganda ng credentials ko tapos biglang... Tatawagan na lang kita, Ms. Clemente. Sana hindi na lang niya ako pinaasa. Sana sinabi na lang niya na, you are not qualified to be Waitress here. Ganoʼn na lang sana... Bwisit!” Inis na sabi ko habang napapadyak pa ako dahil sa inis. “Hmm...” Napahinto ako sa paglalakad nang may marinig akong boses. “Teka? May multo ba sa Flavor of the Month? No, baka naman may naglalandian?” sabi ko sa aking sarili. Hindi ko pinapahalata na natatakot ako lalo naʼt sobrang dilim sa paligid. Humakbang muli ako pero bigla muli akong napahinto nang may marinig muli ako. “Mm—hmm...” Narinig ko na naman ang ungot na iyon. “Xellonia, relax lang tayo, ha? Wala tayong naririnig. Wala. Wala tayong naririnig.” malakas na sabi ko at tinakpan ang aking magkabilang tenga hanggang muntik na akong mapasubsob. “Pusanggala!” Napalakas ang aking mura nang may pumatid sa akin. Napalingon ako sa paligid hanggang may nakita akong isang lalaki. Nakahandusay siya sa gilid, nakaupo at nakasandal ang kalahating katawan niya gilid ng pader. “Lalaki?” Kinusot ko ang aking magkabilang mata. Iniisip ko na baka namamalikmata lamang ako, pero nandoon pa rin siya sa aking harapan. “May lalaki nga. Pero, anong ginagawa niya rito?” tanong ko sa aking sarili. Napatingin pa ako sa paligid at baka may ibang tao ang nandito. “Kailangan ko ba siyang tulungan?” tanojg ni muli sa aking sarili. Sa totoo lang, naghe—hesitate akong tumulong at baka prank lang ito. Lalo naʼt marami ng content creator sa Pilipinas. Kapag tinulungan ko ito, either sisikat ako or mapapahiya. Baka kasi nagpapanggap lang itong lasing. Itʼs a prank. Maglalakad na sana muli ako nang umungot na naman siya at hindi na lang iyon dahil nagsalita na siya. “H—help...” Dahil nagsalita na siya ay sigurado na akong nanghihingi na talaga siya ng tulong. Lumapit na ako sa kanya kahit nag—he—hesitate pa rin ako until now. Malay ko baka takas sa kulungan ang isang ito. Maging kasabwat pa ako, ʼdi ba? Pero, mabait ako kaya ni lapitan ko na talaga siya. “Mister? Mister?” Sinampal ko siya nang mahina sa kanyang magkabilang pisngi para mahimasmasan siya. “Hmm...” Umuungot pa rin siya. Sino ba kasama nito? Kinuha ko ang aking phone para buksan ang flashlights nito at nakita ko na nga ang buong mukha ng lalaking ito. Doon ay nakita kong may bangas ang gilid ng kanyang labi, hindi lang iyon dahil amoy ko ang alak sa kanya. “Argh, lulong ka pala ng alak!” malakas na sabi ko habang nakatakip ang aking ilong. Grabe ang amoy niya... Nananapak. “Sino ba ang kasama mo, Mister?” pagtatanong ko sa kanya. Naghahagilap ako ng band—aid sa aking bag hanggang may nakapa na ako. Nakita ko ang pagdilat niya, napatingin siya sa akin. “P—pene...” Nangunot ang aking noo nang may sinabi siya. “Pene?” Nagugutom pa yata ang isang ito. Gusto yata ng pene pasta. “Mister, wala ho akong pera, okay? Baka ikaw mayroʼn... Mukhang mayaman ka naman base sa suot mo ngayon.” sabi ko sa kanya. Naka—black suit kasi siya tapos mukhang expensive ang kanyang mukha, maging ang pabango niya ay ganoʼn din, nahahalo lang dahil lango siya sa alak. Nilagyan ko naʼng band—aid ang gilid ng kanyang labi. Napangiti ako dahil pink flower design pa ang nandoon. “Hey, Mister, may kasama ka po ba?” malakas na tanong ko at kinapa ang kanyang pisngi. “Mister, huwag kang matutulog, ha? Hindi ko alam kung sino ang kasama mo! Ang laki mo pa naman tao!” malakas na usal ko sa kanya. Anong gagawin ko sa kanya? Kailangan ko na rin umuwi at baka abutin na ako ng pagsikat ng araw rito sa bar dahil sa kanya. Lord, bakit sunod—sunod yata ang pagsubok mo sa akin? Anak mo rin naman ako, ʼdi ba? At, hindi warrior?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD