XELLONIA POV MABILIS akong lumabas sa kanyang office room, wala naman na siyang sasabihin sa akin. Napahinto ako sa tapat ng kanyang office room, napabuntong—hininga. “Mall daw...” bulong kong sabi habang masama ang tingin sa office room nilang magkambal. Pero bigla akong nakaramdam ng kung ano, hindi ko alam kung maiinis ba ako, o... Matutuwa. Pero isang bagay lang ang sigurado ako. Hindi normal ʼto. Mayroʼn bang amo ang nag—aasikaso sa kasambahay nila? Sila pa ang nag—aalala kaysa sa akin? “Ewan ko...” sabi ko na lang sa aking sarili habang naglalakad na ako pabalik sa headquarters namin. Kailangan ko nang makapagpalit ng damit lalo naʼt may 20 minutes lamang ako, iyon ang binigay ni Master Santi sa akin para makapag—ayos. Nakasuot na ako ng shirt and jeans, at dala ko na rin

