CHAPTER 5

1522 Words
XELLONIA POV NAKATINGIN ako sa aking phone habang naghahanap ako ng part time job. Hindi pʼwedeng hindi ako maghanap dahil wala akong pang—review center kahit sabihin ng iba na kaya ko naman mag—take ng exam kahit walang review center. Pero, I need money. May naririnig akong tumatakbo hanggang umappear sa aking harapan si Cathy. Nangunot ang noo ko habang nakatingin sa kanya. “Anong ginagawa mo?” tanong ko sa kanya. Napahawak siya sa kanyang tuhod, hinihingal siya. “Hey, Xellonia? Nalaman kong naghahanap ka pa ng work. Ga—graduate ka na, ʼdi ba? Bakit naghahanap ka pa? Pʼwede ka naman ng mag—apply,” sabi ni Cathy sa akin na kapwa kong staff sa canteen ng Lazaro University. Tinignan ko siya at umiling. “Cathy, kailangan ko talaga ng work. Kailangan ko pa kasing mag—review center para sa LET EXAM this September. Kaya kailangan ko pang sumide line,” sabi ko sa kanya. “Ah!” Napalingon siya sa paligid. “Gusto mo bang maging waitress, Xellonia? Alam mo naman sigurong nagwo—work din ako sa bar. Doon sa Flavor of the Month, everyday Friday night and Saturday night lang ang pasok. So, ano, gora ka? Hindi naman prostitute iyon and legal iyon. So ano, gora ka?” mahabang sabi niya sa akin. “Flavor of the Month?” tanong ko sa kanya. Tumango siya sa akin. “Yes, Xellonia. Bar iyon pero legal talaga iyon. Kahit i—search mo pa sa phone mo.” Pagpipilit niya sa akin. Kinuha niya ang aking phone at kunot noo niyang tinignan iyon. “Mukhang noong dinosaur era pa itong phone mo. Sure kang gumagana ito, ha?” Sinamaan ko siya ng tingin. “Sorry.” Nakita ko ang pag—type niya sa aking phone. Hindi rin nagtagal ay pinakita niya sa akin ang phone ko. Nandoon ang page ng Flavor of the Month bar. “Heto, oh! Sabi ko naman sa iyo na legal itong work ko rito. Kaya ano, Xellonia, gora ka? Waitress. Iyon din ang work ko roon!” sabi niya sa akin. Binalik na niya sa aking ang phone at binasa ko lahat—lahat tungkol sa Flavor of the Month Bar na ito. Mukhang legal nga. “Hiring ba sila?” tanong ko sa kanya. “Oo naman kaya nga hinanap kita nang marinig kong naghahanap ka ng new work mo. Hindi ko na kayang maghintay pa mamaya sa shift natin kaya pinuntahan na kita. So, ano? Bet mo?” mahabang tanong niya sa akin. “Magkanong sahod? Talaga bang Friday and Saturday night lang ang pasok?” tanong ko sa kanya. “Oo para sa mga part timer na katulad ko, pero may Sunday night din sila. Ikaw, if gusto mo rin mag—Sunday night. Then, ang pasok ay 5PM to 2AM. Kaya ano?” “5PM to 2AM? Not bad. Magkano sahod?” Konti na lang ay papayag na ako. “Depende, Xellonia. Sa akin kay ay sa isang buwan ko ay umaabot 20K pesos tapos depende pa sa tips na binibigay ng customer.” “20k pesos?” Nagningning ang mga mata at lumaki ang aking tenga. “Okay. Payag na ako! Kailan tayo pupunta sa Flavor of the Month?” tanong ko sa kanya. Tinignan niya ako. “This friday afternoon if free ka! Sasamahan kitang mag—apply.” Sunod—sunod akong tumango sa kanya. “Okay. This Friday afternoon, Xellonia. Magkita na lang tayo after ng school hours.” Tumango ako sa kanya. “Thanks, Cathy!” Nakangiting sabi ko sa kanya. “No worries, Xellonia. Naging mabait ka naman sa akin, binabalik ko lang sa iyo.” Kumaway siya sa akin at lumakad na rin palayo. Hindi na ako pʼwedeng maging choosy. Kailangan ko talaga ng trabaho. ~~°°~~ “Salamat sa apat na taon na kasama ka namin, Xellonia!” Napahinto ako nang marinig ang boses ng mga na kasama ko sa canteen. Hindi ko alam na paghahandaan nila ang farewell party ko. Tinakpan ko ang aking mukha nang marinig ko pa ang kanilang sinasabi. “Xellonia, donʼt cry!” malakas nilang sabi sa akin. Humikbi ako. Napapunas ako sa aking pisngi dahil hindi ko na na—control ang aking luha. “T—thank you po sa inyong lahat. H—hindi ko inaasahan na... Bibigyan ninyo kong farewell party.” nauutal na sabi ko habang humihikbi pa rin. Kaya pala kanina ay sobrang aligaga nila at hindi nila ako kinakausap dahil may tinatago pa silang ganito para sa akin. “Ano ka ba naman, Xellonia! Dapat ka lang naman bigyan ng farewell party dahil four years ka rito! Kaya nakakalungkot lang na hindi ka na namin makasasama sa Monday,” sabi ng isa kong kasamahan sa akin. “Xellonia, kapag nagugutom ka ay dumaan ka lang dito. Pakakainin ka pa rin namin, ha?” sabi ni ate Mona sa akin. Napailing ako sa kanya. “H—huwag na po! Nakakahiya naman po kung makikikain pa po ako kahit hindi na ako sa staff sa canteen.” Mabilis na pagtanggi ko sa kanya. “Ano ka ba naman? Ayos lang iyon, Xellonia. Free pa naman si Xellonia, ʼdi ba, Senior?” malakas na tanong ni ate Mona kaya lalo akong nahiya. Napatingin kaming lahat kay Senior na tahimik lang sa gilid. “Oo naman.” Napangiti ako nang palihim nang marinig ko iyon. Yumuko ako sa kanilang harapan. “S—salamat po,” mahinang sabi ko. At least, makaka—libre pa rin ako ng pagkain dito sa canteen. Nagkasiyahan na ang lahat hanggang kumain na kami ng niluto nila. Hindi lang iyon dahil nagkaroon ng palaro na ang prize ay chocolate tablea. “Xellonia, iuwi mo na ito sa inyo. Para naman ay dinner kayo mamaya,” sabi ni Alinng Milagring sa akin. Nakita ang plastic na hawak niya at laman nuʼn ay tatlong tupperware. “Hala, huwag na po, aling Milagring! Nabusog na po ako. At saka po may pupuntahan—” Hindi ko natapos ang aking sasabihin nang magsalita na muli siya. “Huwag ka ng tumanggi, Xellonia. Hala, sige, kunin mo ito. Marami kaya ang natirang pagkain. Si Mona ngaʼt ang dami ng shinaron, oh? Kaya huwag kang mahiya.” Nilagay na niya iyon sa aking kamay kaya wala na akong nagawa. “Salamat po, aling Milagring.” Nakangiting sabi ko sa kanya. Sana nga lang hindi mapanis ang mga pagkain na ito lalo naʼt ngayong araw ay pupunta kami sa Flavor of the Month para makapag—apply ako as Waitress nila. Nang matapos ang farewell party ko. Nagpaalam na rin kami sa kanila na aalis na ako. Kailangan pa naming pumunta ni Cathy sa Flavor of the Month Bar para makapag—apply na ako. Dala ko na rin ang ibang papers na need ko, heto ang mga sinabi ni Cathy sa akin na dadalhin ko. “Ready ka na ba, Xellonia? Huwag kang kakabahan, ha? Just relax and be confidence. Iyon lang talaga ang magiging key mo para ma—hire, Xellonia.” Tumango ako sa kanyang sinabi. “Thanks for the tips!” “Wala iyon. Mamaya ka na humingi ng thank you kapag hired ka na, okay?” Muli akong tumango kay Cathy. Sumakay na kami ng jeep papunta sa Flavor of the Month bar, nasa bandang Makati iyon. May kalayuan sa aming tinitirahan pero keri lalo naʼt may 20K ako per month. Sino ba hindi mapapagod sa byahe kung may 20k pesos ako per month? Wala. Mahigpit kong hinawakan ang dala kong plastic envelope at maging ang bag ko kung nasaan ang pagkain na pinadala ni aling Milagring sa akin. “Malapit na tayo, Xellonia. Isang street stoplight na lang.” Nang marinig ko ang sinabi ni Xellonia ay lalo akong kinabahan. Buong katawan ko ay nag—ba—vibrate na. Hindi lang iyon maging ang puso ko na kanina pa kumakabog nang mabilis. “Huy, hindi ka na yata humihingi dʼyan, ha? Hinga—hinga rin kapag may time, okay?” Tinapik ako ni Cathy kaya napapitlag ako at tinignan siya. Nakita ko ang mukha niyang natatawa. “Huy, Xellonia, kinakabahan ka nga?” natatawang tanong niya sa akin. “Ang lamig ng kamay mo, hindi lang kamay mo... Buong katawan mo yata.” Hindi pa rin siya tumitigil sa pang—aasar sa akin. “H—huwag mo na akong tawanan, Cathy. Hindi na ako makapag—relax. Iniisip ko na kasi kung ano ang gagawin ko mamaya kaya nako—concentrate na ako,” sagot ko sa kanya. “Kaya naman pala. Relax lang. Isang tanong, isang sagot lang naman doon. Kaya mo iyon panigurado. Basta bokal sa puso mo iyong mga sagot mo, okay?” Hinawakan niya muli ang kamay ko. “Oh, nandito na tayo. Manong, para po!” malàkás niyang sabi at bumaba na kami sa jeep. This is it. Kaya natin ito, Xellonia.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD