XELLONIA POV “TATAWAGAN ka na lang namin, Miss Clemente.” Pinilit kong ngumiti nang marinig ang sinabi ng HR staff sa akin. Pangalawang beses ko nang narinig iyon ngayong araw. Una sa Cade Me Crazy at ngayon ay rito sa Orionʼs Haven Cafe. Parehong—pareho ang sinabi nilang tatawagan na lang nila ako. Aasa pa ba ako? Mukhang hindi na dapat. “Thanks po, Miss. Salamat po sa time.” Nakangiting sabi ko sa kanya at tumayo na ako sa pagkakaupo sa kanyang harapan. Kinuha ko ang aking plastic envelope at lumabas mula roon. Huminga akong malalim habang gulong—gulo ang isipan ko ngayon. Saan naman kaya ako maghahanap ng work, nauubos na talaga ang oras ko. Ubos na. Napahinto ako rito sa gilid ng company ng Orionʼs Haven. “Gusto ko lang naman magkaroon ng trabaho... Bakit wala pa rin akong mak

