XELLONIA POV NAGHINTAY kami ng ilang minuto nang may marinig akong yapak. Sino naman kaya ang parating? Huwag mong sabihin na tatlo sila, ha? Maloloka na ako if Triplets sila. “Hazel, dumating ka na rin.” Napalingon ako nang may kausap si Master Vill. Nakita ko ang isang babae ang papalapit, nakangiti, mabait ang aura. Doon ay namukhaan ko siya. Siya iyong babaeng nakausap ko noong nag—apply ako rito! “Dalhin siya sa headquarters ninyo at ituro ang kanyang kʼwarto roon,” dagdag niyang sabi sa babae. Akala ko ay Triplets sila, eh. “Hi, ako si Hazel,” sabi nito, seryoso ang tingin. “Ano na bahala kay Xellonia, Master Santi and Master Vill.” Bahagyang gumaan ang pakiramdam ko nang makita ko na siya. Gusto ko ng umalis sa harapan ng dalawa amo namin. “Ah, okay po.” mahinang sabi ko

