XELLONIA POV
“THANKS, Olive! Pasensya na kung sumabay ako sa car mo. Nadumihan ka pa tuloy.”
Nandito ka kami sa parking lot ng Lazaro University. Magaling siyang driver dahil maingat ang bawat pagkable niya sa manibela.
“No worries, Xellonia! Advance congratulations to us!” sabi niya sa akin.
Ngumiti rin ako sa kanya. “Thanks talaga, Olive! Bye!” Nagpaalam na ako sa kanya at lumakad paalis sa parking lot.
Nakaiwas ako sa paglalakad ko na mahaba—haba at hindi rin ako pinawisan. Bago ako pumunta sa education building ay dumaan muna ako sa store para bumili ng isang biscuits.
“Hay! Nakarating din sa wakas!” bulalas na sabi ko nang makarating sa tapat ng classroom namin.
Lumakad na ako papasok sa loob ng classroom at binagsak ko ang aking sarili sa upuan ko nang makarating ako sa classroom. Nakagat ko ang aking ibabang labi habang iniisip ko na ga—graduate na talaga ako.
“Kaunting araw na lang, Xellonia. Kapag nakapag—ipon talaga ako nang malaki—laki ay aalis ako sa amin. Hindi naman din anak ang turing nila sa akin... Isang piggy bank lamang.” sabi ko sa aking sarili.
Huminga akong malalim at naubob na lang a desk ko dahil wala na rin naman kaming gagawin. Ang kailangan naming gawin ay hintayin ang graduation day.
“Xellonia, magpapalista ka na ba agad?”
Napatingin ako kay Maleden nang magtanong siya sa akin. “Magpapalista? Para saan?” takang tanong ko sa kanya.
“Duh? Sa review center! May ilang review center ang nandito ngayon. May 50% off agad sila sa tuition fee kapag nakapagbayad ka agad sa kanila. Hindi lang iyon, ha? May discount pa rin sila kapag laude ka, Xellonia. Running for Magna c*m Laude ka, ʼdi ba? Grab mo na kaya! Kapag binilang mo iyon, 50% plus 20% off, may 70% off ka sa mga review center na nandʼyan ngayon! Ang laki ng discount mo tapos iyong books na lang po—problemahin mo in case,” mahabang paliwanag niya sa akin.
“Bale 30% off na lang babayaran ko? Um, ngayon bang babayaran din?” Tumango siya sa tanong ko. “Iyon lang. Wala pa akong extra pera. Hindi pa ako sumasahod sa canteen then doon sa karinderya na pinagta—trabauhan ko.” sabi ko sa kanya.
“Oo, eh. Sayang naman, Xellonia. Try mo kayong bumale ngayon? Until today lang sila. Huwag mo ng sayangin,” sabi pa niya sa akin.
Sa totoo lang, nakaka—attempt ang 70% discount. Ang laking bagay na iyon sa akin.
“Um, try kong kausapin ang senior ko sa canteen.”
“Papayagan ka nuʼn lalo naʼt about sa study mo naman. Oh, siya mauna na ako sa iyo, ha? Kailangan ko pang mag—sign up sa Lazaro Review Center! Doon ka rin, ha? Nasa 90% kasi ang pumapasa sa mga professional examination sa kanila. Bye!”
Nakita ko si Madelen na kumaway sa akin. Tumango ako sa kanya. “Sure! Doon din ako. Bye!” nakangiting sabi ko sa kanya.
Lazaro Review Center? Hindi na kasi kasama sa scholar namin na sagot din nila ang review center namin.
Sayang.
Napatingin ako sa mga kaklase ko na kanya—kanya silang kʼwentuhan. Lahat sila ay excited na grumaduate.
May mga kaibigan naman ako rito, casual friends lang. Iyong tipong magiging friends mo lang sila then after that ay wala na.
Napabuga na lang ako ng aking hininga at lumabas na rin sa loob ng classroom namin. Kailangan ko pang pumunta sa canteen dahil duty ko na roon as staff.
“Xellonia, nandito ka na pala! Everyday ka na ba muli makikita?”
Nakita ko ang malaking ngiti ni aling Milagring nang makita niya akong nagsusuot ng apron and hairnet. “Um, opo. Tapos na po ako sa OJT namin sa Lazaro High. Nakapasa na po ako sa demo teaching ko,” nakangiting sabi ko sa kanya.
“Congratulations! Ga—graduate ka na pala. Paniguradong proud ang magulang mo sa iyo dahil wala kang ginastos ni—piso habang nag—aaral ka rito. Hindi ko nga baʼt alam kung bakit pumasok ka pa bilang staff sa canteen.” Nakangiting sabi pa niya sa akin.
Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanya kaya tanging pagngiti na lang ang sinukli ko.
Proud sina Mama at Papa sa akin? Mukhang hindi.
“Huy, Xellonia, congratulations pala, ha? Narinig kong Magna c*m Laude ka sa batch ninyo. Sana all. Sana all matalino! Ako kasi nangungulelat. Alam mo na average lang ang utak ko. Mabuti ngaʼt nagkaroon pa ako ng scholarship kahit 30% lang. Hindi na masama at naging staff din ako rito sa canteen.”
Nagulat ako nang marinig kong nagsalita si Cathy sa tabi ko. “Akala ko naman kung sino? Ikaw lang pala, Cathy. Hindi pa naman sure ang pagiging Magna c*m Laude ko. Wala pang nilalabas sa amin. Hindi pa rin nagsasalita ang head professor namin. Kaya haka—haka pa lang,” mahinang sabi ko at tumingin sa aking harapan.
Ngumiti ako sa iilang estudyante na nakapila para makakain.
“Sure na iyon, Xellonia. Hello, since first year ka, Magna c*m Laude ka na, ʼdi ba? Tapos straight na Deanʼs lister ka. Kaya donʼt doubt yourself, uy! Teka, teka tama ba ang English ko?” bulong niya sa akin.
Napangiti ako sa kanya at mahina akong tumawa. “Puro ka talaga kalokohan, Cathy.” Naiiling na sabi ko habang hindi maalis ang ngiti sa aking labi.
“Doon lang ako magaling. Saka, mabigat na nga ang dinadala natin... Bakit hindi pa tayo maging masaya, right?”
Napatango ako sa kanyang sinabi. “Tama ka nga naman.” Magulo at masalimot na nga ang mundo ko, bakit pa ako magiging seryoso lalo?
Nagpahinga na muna kami saglit ni Cathy pagkatapos ng dalawang oras naming pagkakatayo. Pumunta kami sa likod para makakain na rin kami ng lunch. “After ng duty, may class pa kayo, Xellonia?” tanong sa akin ni Cathy.
Umiling ako sa kanya. “Wala na. Mostly ay nandito na lang kami for attendance,” sabi ko sa kanya.
“Ah, isang sana all.”
Napangiti at napailing na lang ulit ako sa kanya. Nakita ko ang Cathy na nakatingin sa akin ngayon. “Xellonia, tawag ka ni aling Milagring, oh.” Kinalabit niya ako kaya napalingon ako sa likod, pinapalapit nga niya ako. “Naku, mukhang irereto ka na naman sa anak niya.” Naiiling na sabi ni Cathy sa akin.
“Sira. Alam naman niyang hindi kami talo ng kanyang anak.”
“Oo nga naman, lalaki rin kasi ang gusto.” Napabungisngis din siya sa kanyang sinabi.
Napatayo na lang ako at lumapit kay aling Milagring. “Bakit po?” tanong ko sa kanya.
“Gusto kang kausapin ng senior natin, Xellonia. Pumasok ka sa office room niya,” sabi niya sa akin at tinuro ang pinto nuʼn.
Napalunok ako nang marinig ko iyon. Isa lang naman kung bakit pinapatawag ako ngayon, baka may mali akong nagawa.
Huwag naman sana.
“Ngayon na po ba, aling Milagring? May nagawa po ba akong mali?” tanong ko sa kanya. Nakakaramdam na ako ng kaba sa buong katawan ko ngayon parang nagba—vibrate.
“Hindi ko rin alam, Xellonia. Kinausap lang niya ako kanina na papuntahin ka sa office room niya. Baka kakausapin ka lang. Oh siya, pumasok ka na. Hindi naman mainit ang senior natin.” Nakangiting sabi niya sa akin, pero hindi nakatulong iyon para kumalma ako.
Wish me luck.