Agad na napansin ni Alex ang pagtahimik ni Steph nang makarating sila sa café kung nasaan si Alyssa. Nilingon niya ang dalaga nang maiparada ang sasakyan at akmang tatanungin ito nang bumukas ang pinto sa backseat at mabilis na pumasok ang kapatid niya. “Tara na para makabalik tayo agad,” dinig niyang wika ni Aly. Mula kay Steph ay binaling ni Alex ang tingin sa kapatid, sandali itong tinitigan na nilabanan naman ang kanyang tingin. Huminga muna ng malalim si Alex bago tumango sa kapatid at ibalik ang tingin sa harapan. Katahimikan ang namayani sa loob ng sasakyan habang bumabyahe sila patungo sa South. Stephanie can feel the awkwardness habang nakatingin sa labas ng bintana at pinagmamasdan ang mga building na nadadaanan. Gusto niya sanang batiin si Alyssa kanina nang makapasok ito sa

