Pagkatapos umiyak ay nanatili na nakatingin sa labas ng bintana si Erica. Paulit-ulit niyang naririnig sa isipan ang sinabi ng kapatid kahit ilang oras na ang nakalipas, ilang beses na rin niyang tinanong ang sarili tungkol doon ngunit hanggang ngayon ay hindi niya pa rin alam kung ano ang isasagot. Alam ni Erica na hindi malabo na maghanap ng iba ang naiiwan na asawa kung nasa malayo ang asawa nila ngunit iba si Alex. Naniniwala si Erica na hindi iyon magagawa ni Alex sa kanya dahil nangako ito na siya lamang ang mamahalin at hihintayin hanggang sa maabot niya ang pangarap. Alex even made a promise na maghihintay ito hanggang sa magawa siyang mahalin ni Erica which finally happened. Erica loves Alex so much at tila hindi niya kakayanin kung sakali na nawala na ang pag-ibig sa kanya ng a

