Ilang minuto pang nakaupo si Cassandra ng may kumatok sa pinto niya. "Pasok," simpleng usal niya. Pumasok naman agad ang binata. Ito na naman ngayon ang pumunta sa kaniya. "Oh, what are you doing here?" striktang tanong niya rito. "I just want you to know that we will be gone for one week for the expansion of our Hospital in Moscow," ani nito at tumalikod na. Napairap lamang si Cassandra at ginulo ang buhok niya. Kung makaakto kasi ay para bang isang virus ang dalaga na kailangan layuan agad. "Nakakainis kang lalaki ka! Ba't ba ang sungit-sungit mo sa akin?" mahinang usla niya sa kaniyang sarili. Gusto niya itong su dan at tanungin pero lumalabas naman na interesado siya rito kahit ang totoo eh hindi naman talaga. Nakabusangot na umuwi siya sa bahay nila. Inirapan pa niya ang bina

