Andito kami ngayon sa open field at napagpasyahang di dumiretso sa mga room namin dahil tinatamad kaming maglinis. “Mga panget ang sakit pa din ng likod ko hanggang ngayon dahil sa inyo.” Sabi ko sa kanila habang nakasandal sa puno. Narinig ko namang nagsipagtawanan sila sabay abot sakin ni Kyla ng fries. “Ang saya mo kayang bugbugin be glad na nabugbog ka namin.” Humarap ako kay Kyla na nakasimangot. “Ah ganon? Gusto mo ikaw next?” “Wooow! Ano yang naririnig ko? Si Kyla naman ang I-re-raid natin next time?” biglang singit ni Janina sabay akbay pa kay Kyla. “Gusto ko yan! Para macorner ulit ni ate Krey si Clean. See? Double hit hohoho!” Binatukan ko agad si Stella ng idamay nanaman nya si ate Krey. “Trip nyo talaga ako noh? Tara nga magsitulog, kulang pa buong gabi ko dahil sa ginawa

