Chapter 5

1263 Words
“Bakit pa kasi tayo pa ang napiling magsayaw sa freshmen general assembly?” naiinis na sabi ko. Kasalukuyang water break ngayon at sa dami dami naming member ng club, at sa lucky 9 na sinasabi pa ni president namin ay nadamay pa kaming apat. Imagine that? Hindi ito swerte, malas to. Tinawanan naman ako nung tatlong  bugok habang nagpupunas ako ng pawis. “Pano naman po kasing hindi ka pipiliin? Eh ng dahil sayo andaming nagkainterest sumali sa club natin, diba onee-sama?” tapos nag-apiran pa sila. Okay, guys, mahirap man pong tanggapin at kahit hindi katanggap tanggap, totoo yun! Naging lodi ako ng freshmens last year at nag-last po yun ng three months hay ang hirap maging celebrity. Pinagbabato ko sila ng towel. “Mga bwiset kayo alam nyo? Maglalakad muna ako!” sabi ko sa kanila at lumabas na. “Woy bumalik ka dito ah! Wag mo kami idamay!” sigaw ni Stella pero kumaway lang ako. Napabuntong hininga naman ako habang naglalakad lakad, kokonti na lang ang estudyante dito sa loob dahil kanina pa nag-uwian, yung mga may club activities na lang ang naiwan. Pinulot ko ang sign pen na nalaglag sa harap ko. Pati ba naman sa makakasalubong malas ako? “Here Florintina.” Sabi ko sabay abot ng sign pen sa kanya. Tinaasan nya ako ng kilay kaya nag-peace sign ako. “Salamat, Miss Rule Breaker but call me Vice! Wag na wag mo nga akong matawag sa pangalan ko, close ba tayo?!” sabi nya sabay layas sa harap ko. Can’t help it, suki kami sa guidance mula pa freshmen. Buti nga gumaling galing na kaming magsitago ngayon eh. /// “Okay guys, tapos na ang practice ngayon. As expected, nakabisado nyo agad lahat ngayong araw. Ingat sa pag-uwi nyo ha?” huling sabi ni president at sabay sabay na naming binitbit ang mga gamit namin. “Namimiss ko na ang kama ko.” Sabi ni Janina sabay ikot ng ulo nya. Umakbay naman ako kay Kyla sabay bumulong sa kanya. “Kamusta na yang paa mo?” Tumingin muna sya kila Stella at Janina na maingay na nagkekwentuhan. “Okay naman medyo.” “Sumama ka muna sakin sa bahay. Dala ko yung bike ko. Panigurado sarado na clinic.” Sabi ko sa kanya. “Eh? Sa bahay – “ “Gago ka ba? Di ka marunong sa medic tanda mo?” sabay pingot ko sa kanya. Magrereklamo pa sana sya pero iniwan ko na sya at sumabay kila Stella at Janina. “Oy mga panget andyan na sundo nyo ah?” sabi ko sa kanila. “Yup yup! Bukas ulit ah?” sabi ni Janina at nakipag-apir na saming tatlo. Inakbayan ko naman si Stella sabay gulo ng buhok nya. “Bagong kalokohan ulit bukas ha?” sabi ko sa kanya ng nakangiti. “Naman! Basta enough muna sa marathon.” Natawa naman ako at kumaway na sa kanya. “Hoy.” Sabi ko kay Kyla na nakasimangot ngayon. “Ano?” sagot nya sakin. “Bakit wala kang sundo?” “Dahil – “ “Dahil mahahalata ka ni nanay tama?” tumango naman sya. Napailing na lang ako. Kinuha ko na ang bike ko at pinaupo na sya sa likod. “Don na kita sa garden gagamutin ha. Bawal panget sa loob.” Sabi ko sa kanya. “Aruu! Janina is dat yoh?!” sabi ko sa kanya, pano kinurot ako! Ang sakit! Buti di kami gumewang gewang. Yumakap na sya ng maayos sa likod ko. “Di ako panget, sapakin kaya kita?” “Ayoko nga. Sayang naman ang pagsayaw ko sa assembly kung ipapakita kong may pasa ako diba?” “Sira ulo.” Inis na sagot nya sakin, tumawa na lang ako. Hay nako.   “Hawakan mo ng maigi yang yelo at idiin mo sa part na namamaga ah.” Sabi ko pag abot ko sa kanya ng ice bag. Ginawa naman nya tapos tumingin sa paligid. “Mas gumanda garden nyo ngayon ah.” Nagtaka naman ako sa sinabi nya sabay tingin sa paligid. Oo nga noh? Kailan ba nung huli akong magpunta dito? Imposibleng maasikaso to ni mama dahil sa trabaho nya, lalo naman si daddy na kasalukuyang nasa singapore ngayon para sa isang business trip. Don’t tell me? “Oy Kyla dito ka lang ah kukuha ako ng bandage.” Sabi ko sa kanya at tumakbo na sa loob. Syet! Dito nga pala si Xandra nakatira! Pano pag nakita sya ni Kyla?! Hinanap ko agad si Xandra pagkakuha ko ng bandage. “Andito ka lang pala.” Sabi ko pagpasok ko sa kwarto namin at nakita syang may isinusulat. “Bakit?” tanong nya. Tumayo ako sa harap nya at tumingin sa mga ginagawa nya. “Nasa garden si Kyla, tinutulungan ko syang gamutin ang sprain nya. Wag kang bababa sa loob ng thirty minutess kundi malilintikan tayo!” nagpapanic na sabi ko sa kanya. “Ano bang kinakatakot mo?” sabi nya at tumigil sa pagsusulat sabay baba ng pen nya. “Wala naman! Sino bang di mawiwindang kung malalaman nila na ang Ice Princess ng school ay andito sa bahay ng isang Rule Breaker diba?”sabi ko sa kanya. “You address me as Ice Princess?” tanong nya na ikinakunot noo ko. “Huh?” “Well, can you also be my princess?” tanong pa nya sabay tingin sa mata ko. “B-baliw ka ba? Dyan ka na nga! Basta wag kang lalabas!” sabi ko at pabalibag na sinarado ang pinto. Baliw na Xandra yon! “Pareng Kyla.” Tawag ko kay Kyla na nakatingin sa paa nya ngayon. “Tawagan mo na sila nanay, baka nag-aalala na yun.” “Bakit ang tagal mo?” tanong nya habang kinakalikot ang phone nya. Ako na muna ang humawak sa ice bag at diniinan sa paa nya, pinili kong di na lang sagutin ang tanong nya. Narinig ko naman syang kausap na si nanay at nagpapasundo na dito samin. “Sabihin mo may ipinakita ako sayong kalokohan kaya ka nandito.” Bulong ko sa kanya ng marinig ko ang tanong ni nanay. At boom sinabi nya nga! Tawa ako ng tawa ng marinig kong tumawa si nanay sa kabilang linya. Umilag naman ako ng aktong hahampasin nya ako. “Grabe, sinabi mo nga.” Kilala talaga kami ni nanay bilang maloloko, well di na maaalis samin yon. Nanay is her yaya ever since she was born. Naglalaro lang ako sa phone nya habang hinihintay sila nanay. Binasa ko naman yung text at nakitang malapit na sila. “Akin na, i-bandage na natin.” Sabi ko at agad ng itinabi ang ice bag at pinunasan ang paa nya. Tamang higpit lang ang ginawa ko para naman di masakal yung paa nya. “Magiging okay na yan.” Sabi ko at ngumiti sa kanya. “Thanks.” Sabi nya, ginulo ko na lang ang buhok nya. “Tara sa bike at don na natin sila salubungin sa gate.” “Bakit di na lang dito?” “Dahil hindi dito, wag ka ng maraming tanong!” sabi ko sa kanya at nagsimula ng magbike papuntang gate. “Wag mo ipilit yang paa mo ha. Mag-absent ka na lang bukas, or else mahahalata nung dalawa.” Sabi ko sa kanya bago sya sumakay ng kotse nila. “Okay po inay.” “Tanga, title mo yun.” Nagtawanan kami at naghiwalay na ng daan. What a long day. Sana matapos na ang sayaw na to, masyadong sexy ang steps eh!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD