Chapter 7

1068 Words
“Hay nakakapagod!” sabi ko pagkaupo ko dito sa loob ng ice cream parlor. “Oy Clean ikaw na mag-order.” Utos sakin ni Stella. Sumimangot naman agad ako tapos hinawakan ang mga kamay nya. Nagtaka naman sya sa ginawa ko. “Please ikaw na Stella sige na, nakakapagod eh.” Tapos nag-puppy eyes pa ako. “Oo na! Oo na sige na! Wag mo lang i-balandra sakin yang panget mong mukha!” inis na sabi nya sabay tayo at nagpunta na sa counter. Tawa ako ng tawa kasi asar na asar eh. “I love ya Stella!” pahabol na sigaw ko pero pinakyuhan lang ako. Gago talaga yun! Hays! Bakit sa dami ba naman kasi ng pwesto dito pa sa corner na corner? “Sinong mahal mo?” nanindig lahat ng balahibo ko sa batok dahil sa mainit na hininga na yun. Lilingon ba ako? At kahit na kinuwestyon ko ang instinct ko ay tinuloy pa din aba’t talaga naman! Lumingon ako dahan dahan at kitang kita ko ang mukha ni Xandra na sobrang lapit sakin. “H-ha?” sabi ko sa kanya. Blangko lang syang nakatingin sa mga mata ko sabay pikit ng dahan dahan at nagmulat din. “May tao ba sa paligid na nakatingin dito?” out of nowhere na tanong nya. Napakunot noo naman ako sabay tingin sa paligid. “Wala namang nakatingin dito bakit mo – “ sabi ko sabay lingon sa kanya pero bigla na lang ako natahimik ng bigla nya akong halikan sa lips. “Baka sa susunod name ko na marinig ko.” Huling sabi nya sabay layas sa harap ko. Napanganga naman ako sa ginawa nya. Ang siraulong yon! Waaah! Inuto ako! Ginamit pa akong kasangkapan sa masama nyang balak! Gigil mo ko! Argh! “Oh eto na cookies – hoy aba! Hinay hinay lang!” agad kong inagaw sa kanya ang isang gallon ng ice cream ko at nilalantakan ng mabilis para mawala yung laway nya sa labi ko. Ugh! Bakit nararamdaman ko pa din?! Sumubo pa ako ng sumubo.. “Clean! Hinay hinay baka – “ sita sakin ni Stella pero huli na. “Ang ulo ko! Waah! Brain freeze!” sigaw ko sabay bitaw sa ice cream at humawak sa ulo ko. “Ayan tuloy! Manahimik ka nga istorbo ka!” sigaw pa sakin ni Stella. Walang hiyang to! Nabrain freeze na ako inalala pa ang iba! /// Naka-akbay sakin si Stella habang nag-stroll kami dito sa mall. Inalis ko agad ng maalala ko yung ginawa nya kanina. “Oh? Anong problema mo?” tanong nya sakin pero sinimangutan ko sya at lumakad na palabas ng mall. Muntik na akong ma-out of balance ng daganan nya ako sa likod pero buti na lang nakabawi agad ako. Inalog alog nya pa ako pero sinimangutan ko pa sya. “Kasi nakakainis ka.” “Dahil?” nagpout ako sabay tingin sa kanya. “Nabrain freeze na ako lahat lahat inalala mo pa ang ibang tao! Walanghiya ka!” sigaw ko sa kanya na ikinatingin ng mga tao sa paligid namin. “Gago ka talaga!” Gigil na bulong nya sakin sabay hatak sakin sa parking area sa labas nitong mall. “Kasi – “ Tinakpan ko agad bibig nya at bumulong sa kanya. “Shattap ka muna.” “Ahh.. mm..” ng marinig namin yun ay sabay kaming nagkatitigan na may nanlalaking mata. Nagsign ako na wag syang maingay at sisilip kami, tumango naman sya. Dumungaw kami sa kotseng sinasandalan namin t mula dito ay kitang kita ang isang gwapong lalaki na may.. alam nyo na ina-anong babae. Eew! Hinatak ko agad si Stella at agad kaming sumibat sa paligid. “Grabe kadiri!” nahintatautang sabi ni Stella habang dinadrive nya yung pinadeliver nyang kotse. Binatukan ko naman sya na agad nyang ikinapreno. “Gago ka ba?!” sigaw nya sakin. “Gago ka din ba?! Wag mo na nga ipaalala diba?! Kadiri na nga eh!” balik na sigaw ko sa kanya. “Sorry na okay?! Di mo na ba ako mapapatawad?!” “Pakyu ulol ihatid mo na ako.” Sabi ko sa kanya na ikinatawa nya. Minura na lahat lahat tumawa pa?! May saltik “Pero infairness ah gwapo yung papabells kaso bakit tumirada ng avocado?” napahalakhak agad ako kung san nya kinompare yung girl. LT! Paano ba naman kasi mga ‘the. Kulay green po yung buhok ng babae, as in yung masakit sa mata na green. “Oh andito ka na sa inyo.” Sabi nya at hininto na ang kotse. Hinampas hampas ko sya sa balikat ng sunod sunod sabay labas ng sasakyan. “Salamat Tela! Ingat!” sabay karipas ng takbo sa loob. “Bwisit ka!” tawa ako ng tawa ng marinig ko ang sigaw nya. Umakyat na agad ako sa kwarto at naghanda na para matulog. Kasalukuyan akong nagpapatuyo ng buhok ng mapansin kong wala pa yung bag ni Xandra o kahit yung school uniform nyang nakahang sa pader. Ganon kasi sya eh, after nya magbihis ay hinahanger nya yung school uniform. Nagtimpla ako ng gatas at lumabas sa balcony dito sa second floor. Kasalukuyan akong tumatanaw ng mga bituin sa langit ng may humintong kulay pulang sports car sa harap ng bahay namin. Okay.. hindi yan kila mama o daddy dahil unang una sa lahat ay di sila mahilig sa luxurious na mga bagay. Inilagay ko ang towel ko sa leeg ko at tinignan ng mabuti ang lalaking lumabas mula sa driver’s seat. Wait wait wait.. Sya! Sya yung gwapong lalaki sa parking lot na.. okay leave that word behind.. sa isang babaeng may neon green na buhok! Umikot sya at binuksan ang banda sa passenger seat at mula don ay lumabas si Xandra. Napakunot noo naman ako ng makita silang nag-uusap. Nakatalikod sakin si Xandra at yung mukha ng lalaki ang nakaharap sakin. Napahalumbaba ako ng yumuko ang lalaki t hinalikan nito si Xandra, woah. Live show? Tumagal tagal ang live show nila ng ilang minutes bago humiwalay ang lalaki ng may malaking ngiti sa labi at umalis na dala ang sports car nya. Ng tuluyan na itong makaalis ay pumasok na si Xandra. Tinanaw ko lang sya hanggang sa mawala sya sa paningin ko. Nice, kung isa ako sa member ng club nya. I-he-headline ko sya with the scoop of, the Ice Princess has a boyfriend. Tsk.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD