“Clean dito!” Agad kong tinoss kay Kyla ang bola kaya agad syang tumalon at nagspike papunta sa kabila. At dahil po nainis ako sa kanila kanina ay tinotoo ko ang sinabi kong kakainin ko lahat ng pagkain hahahaha! Halos nangalahati ang sea foods pati karne at kung di pa ako nahuli ni Jewel at isumbong sa mga panget na nagvavolleyball ay talagang uubusin ko ang lahat ng yon hahaha! Well, as you can see kapag beast mode ako ay talagang di ko na napapansin ang mga nakakain ko maliban na lang kung may sisita. At dahil don ay tinawag nila ang lahat at nagsipaglaro na kami ng beach volleyball. 5 vs 5 ang hatian at ang kateam ko ay sila Kyla, Valerie, Alice, at Xandra, see? Nasakin pa din si Xandra! Tapos sila Stella, Janina, Ashley, Jewel at Florintina ay ang teammates. So far kami ang nangu

