“Clean.” Rinig kong tawag sakin ni Stella. Andito kami ngayon sa isang café malapit sa school at hinihintay sila Kyla at Janina dahil nag-overtime pa yung teacher nila samantalang kami walang teacher sa last period. “Hmm?” sagot ko sa kanya sabay kain ng cheesecake ko. “Parang ang tahimik mo ngayon ah? May di ba ako alam?” nag-aalalang tanong nya habang hinihiwa ang crossini nya. Umiling naman ako dahan dahan. Ang totoo nyan ay inaalala ko yung ginawang paghalik sakin ni Xandra kagabi. Di ko alam pero parang gusto ko na ayaw ko eh. I mean kasi diba, nung harsh kisses wala naman akong nararamdaman eh itong bagong technique nya na kiss eh parang may meaning tapos parang may spark. Ugh ano bang sinasabi ko?! “Oy Clean! Para kang gago uupakan kita. Naiinis na ako sayo.” Natawa naman ako n

