Kinabukasan, nagising ako nang maaga kahit hindi ako makatulog nang maayos kagabi. Ang bawat pagpikit ng aking mga mata ay tila sinusundan ng imahe ng rehas at ng malamig na bakal ng posas na nakakabit sa aking mga pulso. Oo, nandito ako sa isang liblib na isla. Alam ko ang heograpiya ng Pilipinas—mahirap talagang tumakas kapag napapalibutan ka ng naglalakihang alon at malayo ang mainland. Pero hindi ibig sabihin na susuko na ako. Nang pumasok si Dina sa kwarto na may dalang tray ng breakfast—pritong saba, itlog, at sinangag—ay agad na gumana ang aking utak. Nag-isip ako ng isang plano. "Dina," tawag ko sa kaniya habang inilalapag niya ang pagkain sa maliit na mesa. Nginitian ko siya nang pilit, sinusubukang magmukhang mahina at nangangailangan. "Pakisabi naman kay Lloyd na kailangan

