At iyon na nga ang nangyari... Tila nagsusukatan na ng lakas ang halimaw na Ironplate Snake Lizard at ang binatang martial artists na si Van Grego habang nakikiramdam ang bawat isa sa kanila kung sino ang gagawa ng unang atake. Sa obserbasyon pa lamang ng binatang si Van Grego ay nakakatakot talaga ang anyo sa malapitan ng halimaw na Ironplate Snake Lizard. Tila ba may kung anong klaseng awrang nakapalibot rito. Nagulat ang binatang si Van Grego ng biglang umangat ng mabilis ang buntot ng halimaw at mabilis itong humaba papunta sa direksyon niya. Whooosh! Bago pa man matamaan ang binatang martial artists na si Van Grego ay mabilis itong tumalon pa atras. Kitang-kita ni Van Grego ng malapitan ang patulis na buntot nitong mabilis na bumaon sa lupa kung saan ay... BANGGGGG! Isang mal

