Makikita ang napakalaking pagbabago sa kabuuang anyo ni Van Grego. Hindi lamang iyon sapagkat mayroong tatlong beads ang biglang umiikot sa misteryosong puting ibon na Martial Soul ng binata na isang indikasyon na na-absorb nito ng tuluyan ang Martial Spirit na isang Flood Dragon. Kakaiba lang sapagkat White Gold itong mga bead na indikasyon na isang Million year old Martial Spirit ito. Kung malalaman ito ng marami ay siguradong mamamatay sila sa inggit at siguradong manghihinayang pa ang mga ito ngunit umaayon ang swerte sa binatang si Van Grego dahil kumpara sa iba ay konti lamang o bilang lamang sa kamay ang nagkakaroon ng ganitong klaseng Martial Spirit. Agad na sinuri ng divine sense ni Van Grego ang kaniyang Martial Soul sa kaniyang likuran at nagulat siya sa kaniyang natuklasan at

