Mabilis na oras lamang ang pangyayaring naganap kung saan ay ganon pa rin ang estado ng binata habang ng mga paniki namang halimaw na tinatawag na Alluring Night Green Bats ay patuloy na lumalakas habang pakonti ng pakonti ang bilang ng mga ito. Hindi lubos aakalain ng binatang si Van Grego na ang mga paniking ito ay sumusunod rin sa law of jungle. Ang mga namatay na kasamahan ng mga ito ay siyang nagiging hapunan at pataba ng mga ito na siyang ang mga yumao o napaslang na kasamahan ay pagkain ang tingin nila sa mga ito na siyang taliwas sa kaniyang nakikitang mga uri ng paniki. Likas na carnivorous ang mga paniking ito at sensitibo sa mga laman o fresh meat ng kahit na ano'ng klaseng halimaw maging ang kalahi man nilang paniki ay walang ligtas sa bagsik ng mga ito kung saan ay gagawin ni

