Tanaw na nila ang malaking pampang sa tabing-dagat nang matanaw nila na maraming mga bilang ng taong animo'y masugid na naghihintay sa pampang. Natanaw ni Kai at ng sampong mga kawal ang mga ito at hindi sila magkamayaw at maluha-luha pa ang iba dahil sa wakas ay nakabalik na sila sa kanilang sariling lupang kinalakhan. Ito yung tipong nawalay man sila sa kanilang mga pamilya ng matagal dahil sa kanilang misyong dapat gampanan dahil sa tungkuling pasan nila at propesyong kanilang pinili. Hindi nila lubos aakalaing magiging emosyunal sila liban na lamang sa kanilang Boss Kai na mahilig maglakbay sa alinmang panig ng mundong gusto nitong lakbayin at tuklasin kung kaya't sanay na ito pero sila na hindi naman gaanong kasanay sa paglalakbay malalayong rehiyon ay naninibago rito. Mabuti na lam

