Tila nag-aalinlangan pa si Van Grego sa pagpasok sa loob ng Separate Space dimension ng Myriad Painting ngunit mabilis rin niyang nakumbinsi ang sariling para ito sa ikakabuti niya. Gamit nag kaniyang sariling enerhiya ay gumawa ng maliliit na handseals si Van Grego at mistulang lumutang ito papunta mismo sa harang ng nasabing Separate Space Dimension. Unti-unti namang nagreact ang nasabing harang at maya-maya pa ay nagliwanag ito at makikitang parang nawala ang harang kung saan naghihiwalay o nakahimlay ang Separate Space Dimension ng dating Half-master niya na si Master Vulcarian. Agad na nakita ni Van Grego ang pamilyar na silid ng kaniyang dating Half-master. Napakalawak ito kumpara sa isang toa lamang. Maliit man maituturing nag Separate Space Dimension ay hindi naman literal na ma

