Samantala... Agad na sinugod ng naka-Human Form na One-Horned White Tiger Python na si Triper ang binatang si Van Grego gamit ang kaniyang sariling sandata na Three Clawed Trident kung saan ay iwinasiwas nito sa ere pasugod mismo sa direksyon ng binatang si Van Grego. "Tikman mo to binata!" Sambit ng One-Horned White Tiger Python na si Triper habang makikitang parang kumikislap pa ang dulo ng sandata nito na nakatutok ngayon sa binatang si Van Grego. "Hmmmp! Akong si Van Grego ay hindi aatrasan ang laban na ito!" Sambit ng binatang si Van Grego sa kalmadong boses habang makikita ang determinasyon na nakapaskil sa mukha nito. Tila baga'y mayroon itong undying will na lumakas at lumaban. Nagulat naman ang mag-asawang One-Horned White Tiger Python lalo na naf babaeng halimaw na nasa Beas

