Sinubukan ni Van Grego tingnan ang napakalayong lugar na maaabot ng kaniyang mata at masasabi niyang napakaepektibo ng abilidad ng Level 1 Eye of God Pill o Tiger Eye Pill upang buksan ang nakasaradong acupoints niya sa likod ng kanyang parte ng mata. Sinubukan niya rin tingnan mismo ang mga maliliit na bagay at suriin ang mga ito ay napakalabo. "Nakakamangha sapagkat Level 1 Eye of God Pill pa lamang ito, paano pa kaya kung mas mataas na lebel hehehe..." Sambit ni Van Grego habang makikita na animo'y nangangarap ito ng gising. Sino ba namang nilalang ang ayaw lumakas sa mundong ito at mangarap ng mataas. Libre lang naman ang mangarap kaya wala namang nagpipigil o pumipigil sa'yo ngunit wag naman yung nangangarap ka nga tapos madami kang nilalabag o labag sa Heavenly Dao Laws. Agad na i

