"Ano pa nga ba, hindi naman nagbibiro si boss sa atin liban na lamang kung walang problema pero sa lagay ng binatang iyon ay siguradong malaking kaparusahan ang ipapataw sa suwail na si Jinron." Sambit naman ni Carl na isang Skill Type na siyang enhancer o tagabigay ng suporta ng mga Defense at Weapon Type na mga Martial Artists na siyang kapwa-kawal niya. Hindi lingid sa kaniya na malaking parusa ang kakaharapin ni Jinron. "Hoy ang pagsasalita mo, ayusin mo... Wala tayong karapatan upang makialam rito. Mabuting hindi nalang natin pakialamanan ito at hayaan na lamang na ang kinauukulan ang paparusa rito." Saway naman ni Leah kay Carl dahil hindi ito mahilig na makialam sa mga bagay na hindi nila saklaw lalo na kung pag uusapan ang matataas na awtoridad. Habang nangyayari ang bawat sagu

