"Ba-baguhin ang mundong ito?! Kung gayon ay totoo ang sinabi ng isang masamang orakulo noon, ang pagkawasak ng mundong ito noon dahil sa digmaan ay mangyayaring muli pero sa oras na mangyari ito ay mas malala at mas malawak. Mayroong dalawang nilalang ang lilitaw, ang isa'y katiwasayan, ang isang kawakasan. Isa laban sa sarili nito. Isa ang mananalo at isa ang matatalo. Hindi kaya ikaw ang tinutukoy niyon Lord Valc?!" Sambit ni Veno habang makikita ang labis na gulat at mangha sa kanyang mukha. "Hmmm... Hindi ko aakalaing mayroong masamang orakulo sa mundong ito ang nakaligtas sa digmaan. Ayon sa binasa ko noong nakaraan ay wala ng masamang orakulo ang natira upang ipagpatuloy ang pagpractice ng evil divinity. Kung gayon ay may nakaligtas sa naunang propesiya." Sambit ni Valc habang maki

