Tatlong oras din ang ginugol ng binatang si Van Grego sa pagcucultivate upang maayos ang kaniyang kabuuang ayos ng kaniyang sarili. Hindi maipagkakailang maraming enerhiya ang nawala sa kaniya kung saan ay mabilis rin niyang narestore ngunit ang kaniyang mga pinsala ay doon talaga siya nahirapang ayusin at hilumin ang mga sugat na maaaring maging sanhi ng mas malaking problema sa hinaharap kaya medyo dito siya natagalan. Mabuti na lamang at hindi naman siya deadly o fatal kung kaya't nilapatan ni Van Grego ng lunas ito kung kaya't masasabing nasa maaayos na kalagayan ang binatang si Van Grego. Agad na ipinagpatuloy ng binatang si Van Grego ang kaniyang paglalakbay. Mabuti na lamang at halos wala siyang makitang halimaw na gumagala at naghahanap ng mabibiktima. Pasalamat nga siya at wala n

