Sa oras na mawala kasi ang mga bakas nito ay siguradong hindi magdadalawang isip na puntahan at agawin ito ng isa sa nakapaligid na halimaw kung saan magpapaligsahan ang mga ito sa pamamagitan ng paglalaban-laban ng mga ito. Ang natirang nakatayo at maituturing na pinakamalakas ang siyang magmamay-ari ng teritoryong ito at mas magiging malawak ang hawak nitong lugar. Isa itong maituturing na oportunidad para sa mga Martial Beasts. Ang pangyayaring ito ay parang katulad sa maliit na Hyno Continent na binalak na sakupin ng mga napakaraming pwersa. Nagpapasalamat si Van Grego dahil hindi nakisali ang Three Great Continents. Mabuti na lamang at itinuring lamang nilang maliit na pirasong chess piece ang kontinenteng kaniyang kinalakihan na siyang ipinagpapasalamat niya. Hindi rin kasi kapani-pa

