Mabuti na lamang at mabilis na naramdaman ni Van Grego ang nasabing pag-atake sa kaniya dahil nakahanda siya sa atakeng iyon ng misteryosong nilalang. Nakita ni Van Grego kung paano nangabali ang dalawang malalaking puno sa kaniyang likuran at sumabog ito. Hindi niya lubos aakalain na kahit ikinukubli niyang maigi ang kaniyang sariling enerhiya sa katawan ay nasasagap pa rin ito ng dambuhalang nilalang. Ngunit ang nakakapagtaka lamang ay hindi man lang gumuho ang lupang kaniyang tinatapakan. "Hmmm... Napakatibay ng lupang aking tinatapakan ngunit naramdaman ko parin ang lakas ng impact ng atake ng halimaw na iyon." Sambit ni Van Grego habng kitang kita sa kaniya ang labis na kuryusidad lalo na at hindi ordinaryong Martial Beast ito kung tutuusin. "Hindi maaari, nakikita ko pa rin ang bak

