Agad namang lumakas ang bulung-bulungan sa nakatumpok na mga manonood. Hindi lang kasi mga Opisyales ang naririto kundi magingang mga kawal ng dalawang tribo na mahigit apat na raang katao. "Totoo ba talaga to?! Hindi ko aakalaing ang sikat na Legion na malapit lamang sa ating tribo ang nagpunta rito." "Hindi ko aakalaing mayroong koneksyon si Kai sa Blue Crane Legion. Talaga namang nakakagulat na pangyayari ito." "Sinabi mo pa... Hindi na ako nagtataka kung bakit mayroong siyang lakas ng loob na harap-harapang kalabanin at suwayin ang ama niya maging si Ginoong Lorenzo na kapwa mga opisyales ng ating mga kaniya-kaniyang triboat isa pa ay mga Martial Dominator Realm Expert sila na halos magkapantay lamang ang kanilang kakayahan." Sambit naman ng isang kawal habang makikita ang mangha sa

