"Mahirap sagutin ang mga tanong mong yan binata, dahil baguhan ka ay sasabihin ko sayo ang isang bagay na alam namin. Mayroong napakaraming pwersa ang bumubuo sa Central Region at hindi maitatangging ito ang bumubuo sa bawat sangay sa lugar rito. Mayroong apat na bahagi ang Central Region at mayroong mga Wings na tinatawag na tumutukoy sa apat na direksyon. Ang South Wing, North Wing, East Wing at West Wing. Ang kinaroroonan mo ay ngayon ay East Wing kasi magkaiba ang direksyon dito kumpara sa ibang rehiyon sa hindi malamang dahilan. Maraming mga masasamang nilalang ang naririto at nagkukubli ngunit ang paborito nilang kublian at pagpapalakas ng pwersa ay sa labas ng Central Region. Kaya nga hindi naaasikaso ng mga opisyales ng Central Region ang ibang mga Rehiyon sapagkat dito ang ugat ng

