Warning: Spg "Welcome home, wife." Biglang tumaas ang temperatura sa paligid dahil sa mainit na tingin nito sa kaniya. Napausog siya nang gumapang ito palapit. "What are you doing?" taka nito sabay hinto. "H-ha?" "Why are you moving away? Are you afraid of me, or are you afraid of what I might do to you?" May panunuya sa tono nito. Napalunok siya. "H-hindi, ah!" "Hmm." Tumiim ang mga labi nito, habang siya ay pilit na iniiwasan ang mga titig nito. Hinintay niya itong magsalita, mas gusto niyang magsalita ito kaysa manahimik at titigan siya nang ganoon kadiin dahil natutunaw siya, naiilang. Wala siyang lakas na salubungin ang mga mata nito ngayon. Hindi niya alam kung bakit. Was it because of the months they’d been apart? Or because she’d realized something about him? Madaming

