BIGYAN NIYO SIYA NG APO "'Yan ang hiling ni Salem, Hunter. Gusto niya ng apo." "Doc, kailangan ba talaga 'yon? Ang hirap!" Panay na ang gulo ni Hunter sa sariling buhok. Hirap na nga siyang pasunurin si Amber sa kaniyang rules sa bahay, ang hingin pa kayang bigyan siya nito ng anak? "Alam mo bang kapag nababagot siya sa bahay nya, she drops by here and watches the babies in the nursery room from outside the glass window?" Lalong sumeryoso ang mukha ni doc Samson. "Gumagaan ang pakiramdam niya kapag nakakita ng baby. Iyan ang madalas niyang sabihin sa akin. She wanted to have a grandchild pero nahihiya siyang magsabi sa inyo dahil hindi raw kayo magkabati na mag-asawa. "Her body needs medical treatments and lifestyle changes, but her emotions and mental health also need something to li

