People who are emotional often make impulsive decisions. At ang paggawa ng mga desisyon habang nasa ilalim ng init ng damdamin ay maaaring humantong sa mga aksyong pagsisisihan mo sa huli. "Pinagkatiwala ko sa iyo ang anak ko hindi para patayin, Amber!" Napayuko siya para itago ang pagbagsak ng kaniyang mga luha. Para siyang nadudurog na bawang sa kaniyang kinatatayuan. She's hurt. Ashamed. Dahil sa kagagawan niya. Sa kahihiyan ay gusto niyang magpalamon na lang sa sahig at maglaho. "S-sorry..." "I said, get out!" "Ma! That's enough! Hindi niya kasalanan!" Bago pa man bumigay ang kaniyang emosyon ay tumakbo na siya palabas. "Amber!" Narinig pa niya ang pagtawag ni Hunter pero hindi na siya nag-abala na lumingon. Dire-diretso siya sa pagtakbo habang pinipigilan ang sariling maiya

