"I missed you so much, wife." Nanghihina siya dahil sa kakaibang idinulot ng bulong nito, dumagdag pa ang nakakakiliti nitong hininga. Wala sa sarili siyang napasandig sa dibdib nito at ninamnam ang init ng katawan nitong halos gabi-gabi niyang inaasam. Oh, no. What was she doing? PDA! Pinanonood pa naman sila nina Latos at Angela, and for heaven's sake! Nasa loob sila ng mall! Kahit alam niyang walang nakakakitang ibang costumer dahil nasa dulo sila at natatakpan ng mga tauhan ni Hunter, pero may CCTV cameras! Tinapik niya agad ang kamay ni Hunter nang matauhan sabay harap dito. Sandali pa siyang napanganga nang bumungad ang gwapo nitong mukha na nakayuko sa kaniya. Halos magkasagihan na ang dulo ng kanilang mga ilong sa sobrang lapit. Sinadya talaga nitong ingudngod ang sariling mukh

