"Ang cute, cute ng baby ko! Yii! Manang-mana sa Papa!" Pinanggigilan ko ng halik ang leeg ng anak ko na buhat ko sa aking braso. Humagikgik naman ito. Napahagikgik na rin ako dahil lubhang nakadadala ang pagtawa ng anak ko. Sumisipa-sipa pa siya.
Nang tumigil siya sa paghagikgik ay napatitig siya sa akin. Kitang-kita ko ang pagkawala ng ngiti sa mapupula niyang mga labi. Unti-unting nag-pout ang mga labi niya at pagkatapos ay nagsimulang mamula ang ilong niya at manubig ang mga mata niya. At ilang saglit pa ay tuluyan na siyang nagpalahaw at umiyak.
"Uy, ha? Sobra ka naman Baby Jaycee! Nakakaiyak ba talaga ang mukha ni Papa? Hmm. Ang guwapo-guwapo kaya ng Papa mo!" Lalo pang nagpalahaw ng iyak ang bata nang sitahin ko siya.
"Liar." Napalingon ako sa nagsalita. Nakataas ang isang kilay na ngumisi ito sa akin.
"Shut up, panget. Where's your Kuya Jessie?" Bumusangot ito nang marinig ang salitang 'panget'.
"I'm not Panget! You are! That's why Baby Jaycee is crying because of your ugly face! You are panget! You are!" tili niya sa akin. Nagsimula itong magtatadyak sa sahig ng kuwarto namin ni Jessie. At dahil sa tili niya ay napatigil sa pag-iyak ang baby na buhat ko.
"Look! Even Jaycee agrees with her Papa. You are the one who is panget! Bleeh!" pamimikon ko sa aking bunsong kapatid, ang nag-iisang Prinsesa ng mga Vladimier. Si Ivy Olivia Vladimier o mas madalas naming tawagin na IO(Ayo).
"No! I'm not panget!" Lalo itong napikon sa panunukso ko.
"IO is panget! IO is panget!" I sang out loud.
"I'm not! Argh! Daaadddy!!!" Nagtitili itong lumabas sa pinto. And I'm sure, magsusumbong na naman siya kay Daddy Winter. Tss. Brattinela. Magagalit naman sa akin sina Dad, Papa at Mommy pero kapag iniabot ko na ang apo nila sa kanila, makakalimutan na nila ang galit nila. Well, who could resist my cute daughter?
Jandria Cameron Ruiz Vladimier.
She is my biological daughter. 9 months after Jessie and I had our civil marriage, she was born and given to us. She was made in a natural way. May pagka-conservative si Jessie. Ayaw niya ng mga test tube, experiments, blah, blah para magkaroon kami ng sariling anak. Marami namang babaeng baby maker kaming pinagpilian. Si Jessie lahat ang nag-asikaso. Walang nakalampas sa kanya. Family background at lahat, chineck niya ultimo dugo. Kumuha kami ng doktor para ma-check lahat sa babae lalo na ang cycle niya. Jessie was there when I f****d the girl. I was blindfolded. Para nga kaming nag-threesome, eh. Pero ang pinasok ko ay 'yung sa babae at hindi 'yung kay Jessie ko. Swerte nga at nakabuo kami agad. Antindi talaga ng kamandag ng sperm cells ko. Tuwang-tuwa ang baby ko. At eto nga, two months na naming inaalagaan ang unang baby namin. After two or three years, si Jessie naman ang susubok. Actually, nai-imagine ko na nga ang eksena, eh. Ako nakapasok sa likuran niya tapos siya nakapasok dun sa babae. Ang hot!
"Hoy! Anong nginingisi-ngisi mo dyan?" Malambing na boses ang nagpawala sa nabuong eksena sa isipan ko.
Ngumiti ako nang malambing bago humakbang pasalubong kay Jessie na kapapasok lang sa kuwarto namin.
"Hi, baby. Saan ka ba galing? Kanina ka pa namin hinihintay ni Jaycee, oh?" Sabay naming niyuko ang aming anak na nahihimbing na pala.
"Ang ganda niya, Jay. Manika na manika ang itsura niya kapag natutulog siya," humahangang sabi ni Jessie habang buong lambing na hinahaplos ang ulo ni Jaycee. Maganda talaga ang anak ko dahil nag-combine ang dugong Pilipino, Espanyol at Russian sa katawan niya. At para talaga siyang buhay na baby doll kaya proud na proud ang pamilya ko sa kanya. I just hope Kuya Ivory will meet my baby girl soon.
"Jay?" Napatingin ako kay Jessie. Nagkatitigan kami bago siya nakakaunawang ngumiti.
"Ivory is strong, baby. Makakaya niya ang lahat ng pagsubok na pinagdaraan niya ngayon." Malungkot akong tumango sa kanya. Naglakad ako patungo sa crib ni Jaycee at buong ingat kong ibinaba roon ang anak ko. Tumabi sa akin si Jessie at agad ko naman siyang niyakap pahapit sa katawan ko.
"Paano niya makakaya kung pati sarili niya ay sinukuan niya na? Dati, kami lang na mga kapatid niya ang ayaw niyang lumapit sa kanya. Ngayon, pati parents namin, ayaw na rin niyang kausapin.
And, Jess, alam mo naman siguro kung bakit hindi kita mapakasalan sa simbahan, 'di ba? I'm sorry for being selfish, pero alam mo naman, 'di ba? G--gusto ko, b-b-buo kami na nasa simbahan sa kasal nating d-dalawa." Pumiyok ako kaya yumakap nang mahigpit sa akin si Jessie, trying to calm me down.
Masakit na masakit para sa amin ang nangyari at nangyayari ngayon sa panganay naming kapatid. It was my twin brother who's with him now. Ilang ulit nang tumatawag si Miggy at nagsusumbong kung paano niya na gustong sumuko sa pag-aalaga sa kuya namin. I couldn't blame him.
Kami ni Jessie ang unang nag-alaga sa kanya. That's also after the time na nagpakasal kami ng civil ng baby ko. Ayaw pa sana niya noon dahil sa nangyari kay Kuya pero dahil naipangako ko na iyon, we had a simple civil wedding. Church dapat pero dahil sa nangyari nga, saka na iyon. One week kami sa Paris for our honeymoon at para sa pakikipag-meet sa biological mom ni Jaycee who's half-American and half-Spanish pagkatapos ay bumalik din kami agad para alagaan si Kuya. May edad na ang parents namin at hindi na nila kaya ang stress ng pag-aalaga sa kuya. Miggy has to attend a six months scholarship program sa England kaya kami lang talaga ni Jessie ang maaasahan.
Living with Ivory has been so stressful and full of drama. Mula paggising namin, ngarag na ngarag na kami sa pag-aasikaso sa kanya. Kapag ayaw niya ng ulam, kailangang magluto ng iba o hanapin ang gusto niya. Kapag ayaw niya ang lasa, ibinabato niya ang pagkain niya. Kapag tutulungan siya, nanunulak o naninigaw siya. Kapag naaalala niya si Robby, nagwawala siya. At sa gabi, kapag oras na ng pahinga, maririnig namin ang mga biglang pagsigaw niya. Taranta naman kaming tatakbo papunta sa kuwarto niya only to find him on the floor, screaming and crying. Those were really the worst days of our lives. Pero mas gugustuhin naming pagdaanan ang hirap na iyon kesa naman hindi dahil nitso na lang ni Ivory ang inaasikaso namin. Mas pipiliin namin ang makita siyang naghihirap, umiiyak kesa isang malamig na bangkay. Naniniwala pa rin kami ng pamilya na makaka-move on din siya. And we are hoping that it will happen soon.
....
Nasa hardin kami ng mansyon at nagpapahangin kasama si Jaycee nang lumapit ang isang bodyguard sa akin. Sa wikang Russo ay ibinulong niya,
"May bisita po. Asyano. Robby Salvador."
Para akong sinilaban ng buhay sa narinig kong balita. Kumulo ang dugo ko at tumibok ang mga ugat ko sa galit na dumaloy sa buong katawan ko.
Ano ang ginagawa ng walanghiyang iyon sa pamamahay ko? Ang kapal naman ng mukha niya! Nabulag ang kapatid ko dahil sa kanya, tang-ina niya! Ano at may tapang pa siyang pumunta rito at iharap ang walang modo niyang pagmumukha?! Pagkatapos niyang i-reject ang kapatid ko?! Pagkatapos niyang iwan ito na wala man lang paalam? Pagkatapos niyang maging dahilan sa lahat ng masasakit na pangyayari sa buhay ng pamilya namin?! Hindi ba siya takot mamatay?!
"Baby, dito lang kayo ni Jaycee. May aasikasuhin lang akong basura." Nagdikit ang mga kilay ni Jessie sa pagdiin ko sa salitang basura. Ngunit bago pa siya makapagtanong ay tumalikod na ako at nagmamartsang pumunta sa gate. Sinenyasan ko ang gwardiya roon. Unti-unting bumukas ang gate at bumungad sa akin ang nakahukot na katawan ni Robby. Nasa mga mata niya ang takot at ang pag-aalinlangan.
All anger came pouring out from inside of me as I seethed in rage. Habang tinitignan ko ang mukha niya, bumalik sa alaala ko ang itsura ng kapatid ko pagkatapos niyang ipahiya sa harap ng aming mga pamilya at bisita. Naalala ko ang itsura ng kuya ko nang ilabas siya sa operating room. Na 'yung dating matikas na katawan ay natusukan ng napakaraming wires, na nabalot ng mga bendang may mantsa ng dugo, at ang mga mata ng kuya ko na madalas kong katakutan kapag nanlilisik na? Nabalot ng mga benda na tila ikinakahiya ang nangyari sa kanya. My brother literally fell out from his throne.
For the first time I saw how my brother painfully suffered and devastatingly cried. At sa bawat pagsigaw niya sa sakit, bawat paghiyaw niya sa hirap at bawat iyak niya sa labis na pagdurusa, durog na durog ang puso ko. My strong, merciless and powerful brother became broken, merciful and powerless right before my eyes and it broke me, too.
"J--jay..."
Hindi niya na natapos pang sabihin nang buo ang pangalan ko. Agad ko na siyang kinuwelyuhan at pinasalubungan ng suntok sa mukha.
"Putang ina mong hayop ka!" sigaw ko na punung-puno ng galit.
Wala akong sinayang na sandali. Suntok lang ako nang suntok. At nang mapalugmok siya sa lupa ay pinagsisisipa ko ang katawan niya.
"Gago ka! Gago ka! Gago ka! Gago ka!" nanggigil kong sigaw nang paulit-ulit sabay sa bawat pagsipa ko sa kanya. Hindi ko na namalayang umiiyak na pala ako habang binubugbog ang walang kalabang-labang si Robby.
Wala akong pakialam kahit madurog ko ang mga buto niya o mawasak ko ang pagmumukha niya o sumuka siya ng dugo. I want vengeance for my brother and I want it now.
May malalakas na mga kamay na pumigil sa ginagawa ko pero buong lakas akong nagpumiglas. Hanggang humihinga siya, hindi ako titigil. Antagal kong hinintay ang pagkakataong ito. Papatayin ko siya!
"Tama na, Jayson!" Naestatwa ako nang marinig ko ang umiiyak na sigaw ni Jessie. Nagliwanag ang nagdidilim kong paningin. Hinanap ko siya sa mga taong nakapalibot sa akin. That's the time I realized na sina Papa at Daddy pala ang pumipigil sa katawan ko. Nakatingin sila sa baba at napatingin din ako doon.
I saw Robby crying in pain. Bloody on the pavement. I smirked. He deserved what he got.
Pumiglas ako sa pagkakahawak sa akin ng mga tatay ko. At nang makita nilang maliwanag na ang mga mata ko ay pinakawalan na nila ako. Akmang sisipain ko pa si Robby pero itinulak na ako ni Papa papunta kay Jessie na umiiyak habang buhat si Jaycee na umiiyak din.
"Tama na. Okay na ako," pagpapatahan ko sa kanya. Niyakap ko siya habang pilit ko pang pinapakalma ang damdamin ko. Pinatahan naman 5nya ang anak namin.
"Sa loob tayo," utos ni Daddy. Tumango ako sa kanya. Sumulyap ako sa kinalulugmukan ni Robby at nakita kong inaalalayan siya patayo ng mga tauhan namin. Napasigaw pa siya sa sakit nang pilitin niyang tumayo.
Sumunod kami sa kanila papasok sa aming mansyon.
....
After an hour, muli kaming nagkaharap-harap sa living room. Pinagtulungan nina Mommy at ilang kasambahay namin na gamutin ang mga sugat na tinamo ni Robby mula sa akin. Pasalamat siya magkabilang black eye, putok sa labi at mga pilay na braso lang na pinangsangga niya sa mukha at katawan niya ang tinamo niya. Sayang, 'di ko man lang siya nalagasan ng kahit isang ngipin man lang.
Pinanunuod namin nina Papa at Daddy kung paano siya sinubuan ng pagkain ni Mommy. Nung una tumanggi pa siya dala siguro ng hiya ngunit nang tumalim ang mga mata ni Mommy sa kanya, ngumanga rin siya.
"Kuya, is he our brother?" tanong ni IO na nakikipanuod din sa nangyayari.
"He's a nobody," matigas kong sagot. Nakita ko ang galit na tingin na ipinukol sa akin ni Mommy. Bumaling ako kay Robby na nakayuko at waring naiiyak pa. Hus, drama ng hayop.
"Then why is Mommy feeding him if he's just a nobody?" pangungulit ni IO sa akin.
"We feed beggars, don't we?" patuloy kong pagpaparinig. Deadma ang mga tatay ko kaya malakas ang loob ko.
"Jayson..." pagwa-warning sa akin ni Mommy.
"Magpasalamat nga siya 'di ko sya tinatawag na kriminal, eh."
"Jayson!" Galit na tumayo si Mommy.
"Talaga naman, eh. Siya ang dahilan kung bakit muntik nang mamatay si Kuya! Siya ang dahilan kaya bulag ngayon ang kapatid ko! Ewan ko nga kung bakit ginamot n'yo at pinapakain pa 'yan, eh. Dapat siya ang ipapakain natin sa mga aso natin mamaya!" Napasigaw at napatayo na rin ako sa galit habang matatalim ang mga matang nakatingin sa yukung-yuko na si Robby.
"Jayson, that's enough!" Napatayo na rin si Papa. Itinulak niya ako paupo.
"Bakit ka nagpunta rito? Ano ang gusto mong patunayan? Ang kapal naman ng pagmumukha mong tarantado ka." He spoke in Filipino para hindi iyon gaanong maintindihan ni IO who knew only a little of the language.
"Summer!" pananaway ni Mommy kay Papa.
"Ang mabuti pa, Cles ay iakyat mo na si IO at patulugin. Kami na ang bahala sa bisita natin," utos ni Dad kay Mommy. At base sa tono ng pananalita niya, kahit si Mommy ay walang magagawa kundi sundin iyon.
Nang mawala sina Mommy at IO pati na rin ang mga kasambahay ay pasugod na lumapit si Daddy kay Robby. Kitang-kita ko kung paano bumalot sa mga leeg ni Robby ang malalaking kamay ni Dad. Nakita ko kung paano mamula nang sobra at magsilabasan ang mga ugat sa mukha ni Robby dahil sa ginagawang pananakal sa kanya ni Daddy. Kulang na lang ay lumawit ang dila niya. Tahimik lang kami ni Papa.
"You bloody son of a b***h, how dare you show your f*****g face here in my house after what you've done to my son?" Hindi man sumisigaw pero kitang-kita ko ang pamumula ng mga mata ni Dad pati na rin ang panginginig ng kanyang mga kamay sa sobrang galit na kanyang nadarama.
"Arckh! Ti...ti--to... I... i... wa--want to.... arck!" Itinulak ni Dad ang katawan ni Robby sa sahig. Napasubsob siya roon habang iniihit ng matinding pag-ubo.
Walang hindi maawa sa kalagayan niya ngayon. Kahit na matindi ang galit ko sa kanya, hindi ko maiwasan iyon.
"Tell us what you want before I throw you out of my house," utos ni Daddy sa kanya nang matigil na ang pag-ubo niya.
Luhaan siyang tumingala sa amin.
"Tito... nagsisisi na ako. Nagsisisi na po ako... sa ginawa ko. Please. Patawarin n'yo po ako, Tito. I'm sor---ry..." I saw how his fat tears flooded his beaten up face. Sa unang pagkakataon, I saw how Robby miserably cried. Punung-puno iyon ng pagsisisi. Para siyang namatayan sa ginagawa niyang paghagulgol.
"Hindi porke nagsisisi ka at umiiyak ngayon sa harap namin ay patatawarin ka na namin," Papa told him na lalong nagpalakas ng iyak niya.
"Hindi kami tanga para basta na lang tanggapin at paniwalaan namin ang pagsisisi mo," singit ko.
"Jay... mahal ko si Ivory. Mahal ko siya! Huli na nung na-realize ko 'yun. At labis ko nang pinagsisihan lahat ng ginawa ko sa kanya! Maniwala naman kayo... mahal ko sya, eh. Mahal ko siya!" Umiiyak niyang sagot sa akin. Naghalo-halo na ang mga luha, sipon at dugo mula sa pumutok niyang labi sa mukha niya.
"And you actually believe that we will forgive you just because you've declared your love for my son?" pang-uuyam naman ni Dad sa kanya.
"Tito, please. Maniwala po kayo... mahal ko si Ivory. Nabulag lang ako ng sobrang galit, ng kagustuhang makalaya. Please, bigyan n'yo po ako ng isang pagkakataon na patunayan sa inyo at sa kanya ang katotohanan ng sinabi ko. Please, Tito, please!" pagmamakaawa niya kay Dad.
Natahimik sina Dad at Papa. Nag-usap ang kanilang mga mata. Ako naman ay nakikinig lang sa mga hikbi na ginagawa ni Robby.
"We'll give you a chance to be with him and prove your love for him in one condition." Curious akong napatingin kay Papa dahil sa sinabi niya. Papayag na sila? At ano ang kundisyong hihingin nila?
"Since you somewhat betrayed our son because of your damn pride and selfishness, we want you to humble your self at our feet," Papa declared.
"Tito?" Katulad ko ay hindi rin alam ni Robby ang gustong mangyari ng mga tatay ko.
"Kiss our feet," simpleng sagot naman ni Dad. Sabay na nanlaki ang mga mata namin ni Robby.
"I'll do it, Tito." Nagkaroon ng kumpiyansa ang boses ni Robby. Magkatabi umupo sa sofa sina Dad at Papa. Paluhod na pumunta si Rob sa harap nila. Akmang hahawakan na niya ang sintas ng maruming sapatos ni Daddy nang tabigin ng isang paa ni Dad ang mga kamay niya.
"You are not allowed to use any part of your body aside from your mouth. Use it to remove our shoes and socks inorder to get to our feet," malamig na bilin ni Dad.
Napalunok ako.
At kitang-kita ko rin ang hirap na paglunok ni Robby.
Handa ba siyang lunukin ang pride niya para sa pagpayag nina Daddy at Papa?
Napailing na lang ako nang unti-unti siyang yumuko.