Belated Happy B-day kay justjek23. .... "Kuya, naman. We're here to celebrate your birthday at hindi para maging clown ako ng asawa mo!" Nagpupuyos na panunumbat ni Jayson kay Ivory. Malakas syang siniko ng nakatatandang kapatid kaya lihim akong napangiti. Nang maramdaman ko na lilingon si Ivory sa kinaroroonan ko ay agad kong iniwas ang pagkakatingin ko sa kanila at saka ko lalong linakihan ang pagkakalabi ko. "Kapag may nangyari masama sa mga anak ko dahil sa pag-iinarte mo, malilintikan ka talaga sa akin!" Ivory hissed at his brother. "Pag-iinarte?! Kuya naman! Hindi kaartehan kung tatanggihan ko ang magsuot ng nurse's uniform sa harap ninyong lahat!" Namumula at nanggigil nitong sagot. Kinagat ko ang labi ko para di ako mapabungisngis ng tawa. Aba, hindi ko na kasalanan kung sum

