"....mukha ko." "... Ako!" "... Ako sabi eh!" "... Ako nga eh!" "Sinabi nang ako!" "Ako kaya!" "Anong ikaw? Ako!" "Bulag ka ba? Kitang-kita na ako ang kamukha eh!" "Kapal mo, bro. Ako sabi eh." "Anong makapal?! Maliwanag pa sa sikat ng araw, bro. Ako ang kamukha ng mga apo natin!" Ang papalakas na paimpit ngunit may kapangyarihang mga boses ang unti-unting gumising sa natutulog kong diwa. Napangiti ako kahit hindi ko pa man naimumulat ang aking mga mata. Nagtatalo na naman ang kambal kong biyenan. Style na nila yan tuwing dumadalaw sila sa akin. Nagdedebate kung sino ang magiging kamukha ng mga babies namin ni Ivory. Walang nagpapatalo. Walang unang gusto na sumuko. Ni hindi ata nila marealize na pareho nilang magiging kamukha ang mga apo nila kung sakali dahil kambal sila. Ident

