Chapter 6

1594 Words
Well back from sketching. "Aw, kawawa ka naman pala. Your sister?" Tinuro niya ang babae sa portray na ini-sketch ko. Don't say I'm pitiful because I'm aware. I nodded to him, "she's beautiful too right? Katulad nung babaeng binugbog ni Claire." He probably get it now. "So, 'yung nagarote- I mean nabugbog ni Claire kanina is 'yung sister mo na galing sa Australia and 'yung ex ng bf ni Claire?" I couldn't processed what he was saying. Baka mas lalo kang magulat kung sabihin ko na first love mo 'yung nabugbog kanina. "That's too much, but yeah, you guessed it right." I closed my sketch pad, that's enough for today, ayoko na mang spoil pa. He was thinking something ng lumapit sa'min si Mat— wearing his casual face na parang gagong nakangiti. "Are you finished comforting her?" My tone is kinda sarcastic but I couldn't help thinking about Claire's condition right now. It was still a trauma, of course, hindi rin siya mentally unstable ngayon. "It was hard, parang nagpapatahan ako ng mental, joke aside, maayos na siya ngayon and...yikes tabi ng tabi sa'kin 'yung Tori." So that's why nandito siya. "Dude, mas matalino siya sa'yo, you have no chance pag ikaw pinagsalitaan nun ng masama." Fin's just smiling at us, mukhang hindi niya na inisip kung ano man 'yung nasa isip niya kanina. "So, gusto niyo ba mag arcade after class?" Tinignan ko ang to-do-list ko. Blangko ang nakalagay sa after class, kung papayag man ako, baka may makalimutan akong gawin, kung hindi naman ako pumayag, magtatampo itong kumag na 'to. "Ano g ba? Ikaw Fin, sama ka?" Bago pumayag si Fin tumingin muna siya sa'kin, I gave him a what-do-you-want-me-to-say? look. Halata namang ayaw niya 'ding sumama. Something's bothering me, paboritong tambayan ni Seb ang arcade after class. "Hindi ako sasama." Nagulat si Mat sa sagot ko. It's for my own good, kahit pumunta ako doon hindi ko rin naman ma e-enjoy lalo na't makikita ko siya doon. "Autumn- Serenity naman e, ang KJ talaga, yawa." That's it, after 2 minutes, I surrendered my previous answer. I will go with them. Hindi naman gaano malayo ang arcade. Sabi ni Mat ay maglaro kami ng kahit anong gusto namin dahil may 2k pa siya sa wallet niya, which I didn't want to do, ayokong maglaro ng mga claw machines, except kung may mga 1v1 fights dito. I glanced at Fin na tutok na tutok ang titig sa isang kuromi stuffed toy. Right Kuromi. That's my favorite! I slammed the claw machines glass habang hila hila ko si Mat. Napangiwi siya sa sakit pero hindi ko pinansin ang pag ngiwi niya, sa halip itinuro ko 'yung Kuromi stuffed toy sa kaniya. "Buy me some tokens now!" After ng 10 minutes na paghihintay, binigyan kami ni Mat ng tig-benteng tokens na kulang pa para sa'kin. Kapag bumibili kasi ako ng tickets, laging 40 para ma enjoy ko talaga ang arcade. Inunahan ko na si Fin sa paglaro. And...last token ko na wala parin akong nakuha. "Claw machines are f****d up!" I crossed my arms sa sobrang inip. That's it?! After ng 20 tokens wala akong nakuha?! "Watch me." Pinanood ko si Fin kung paano talunin ang claw machine, he was smiling while playing and within 5 tokens nakakuha na siya, which is 'yung kulay black pa! My favorite! He gave it to me without uttering some words, kung iinggitin niya lang ako sa paraan ng pagbigay sa'kin, mas gugustuhin ko pang itapon 'to. Gagawin pa akong taga-buhat. Within 15 minutes, naka pitong Kuromi stuffed toys siya. Kanina pa ako naiiyak sa inggit. Kakatapos niya lang maglaro, lumapit siya sa'kin para kunin ang mga stuffed toys, nagulat ako na isa lang ang kinuha niya, at 'yung pinaka-maliit pa. "Wait, hindi mo kukunin 'yung iba?" Nabibigatan na ako dahil tatlo 'yung malaki at hindi ko kaya buhatin 'to hanggang pag-uwi. Sino ba nagsabing iuuwi ko?! "It's all yours now, wala ng space sa kuwarto ko dahil puno na rin ng stuffed toys." I gave him a why-did-you-get-so-many-of-these look. "Don't look at me like that, HAHAHA, kinuha ko 'yan to make you feel better." I couldn't help but smiled, I know he's better than Mat pero grabe naman 'tong effort niya. Sorry Mat, haha. "Oh, pumila lang ulit ako saglit sa bilihan ng tokens naging factory na kayo ng stuffed toys?" He gave us again 10 tokens more at 30 'yung binili niya para sa kaniya which is quits dahil nabigyan niya na kami ng 20 kanina. Maybe I'm not really alone. Masaya kaming naglaro sa Arcade, and I'm glad wala ang presence ni Seb dito. I didn't regret coming with them. After 1 hour of playing, we decided na umuwi na, sabi ni Mat at Fin ihahatid pa raw nila ako pero hindi na'ko pumayag, ayoko 'ring makaabala kaya mas mabuting ako nalang mag-isa. Pagkabukas ko ng pinto, nothing's change, gloomy parin ang loob ng bahay, nakapatay ang ilaw at walang tao sa second floor at sa sala. But, I'm lonely here. Wala rin ang presence ni Cath, sila mama ay nandoon parin sa hospital upang bantayan si David. Gusto ko sanang bumisita pero hindi ko magawa dahil laging nandoon si Daddy, or should I say si Viktor. Sa'n kaya nagpunta si Cath? Nag shower muna ako bago gumawa ng dinner ko. Kumuha ako ng kamatis at repolyo sa ref, salad nalang ang gagawin ko dahil tinatamad ako magsaing. I once looked again sa portray na ini-sketch ko kanina. It looks like na Mommy didn't regret adopting her after all which hurts me that much. It feel like kaming dalawa ni David is getting neglected by them, especially sa side ni Dad. I have a theory na accidentally lang kaming nagawabg dalawa kaya he despises us that much, parang hindi niya kami biological daughter and son. It didn't bothered me at all, kung gan'on man ang nasa isip niya, matutuwa pa ako. Hindi ko rin naman kailangan ng ama sa buhay ko. Speaking of Cath, sa'n kaya siya nagpunta ngayon? Mukhang masakit 'yung ginawa ni Claire kanina. That's kinda bothering me, but I guess hayaan ko muna siyang mapag-isa, kung mag isa man siya ngayon. Iniligpit ko na ang pinagkainan ko at pinatay ang ilaw sa kusina pati narin sa sala at umakyat na sa taas. This day, is it good or bad? Inayos ko ang mga stuffed toys na nakuha ni Fin. I'm fine with one pero ok narin 'to, magrereklamo paba ako pag kinuhanan ako ng ganito karaming plushies. Habang nag-aayos biglang tumunog ang phone ko, I was expecting Mom pero si Mat pala ang tumatawag. I answered it at sobrang ingay sa paligid niya! Tinanong ko siya at walang sumasagot. Wrong call? Minsan lang naman siya tumawag sa'kin, patayin ko nalang. I'm so close sa pagpindot sa end button when suddenly someone speaks. "Serenity! Sa messenger tayo tumawag," magsasalita pa lamang ako ng pinatay niya na ang tawag. Because of my curiosity, mabilis kong binuksan ang messenger ko. I answered his call immediately, he's in his room, halatang kakapasok niya lang at inip na inip siya ngayon, he threw off his phone sa higaan niya. "Argh! Ang ingay dito sa bahay!" Kinuha niya ulit ito at nag hi sa'kin. "Ba't ka napatawag." I placed my phone sa stand habang kinakain ang strawberry na isinama ko sa pagkuha ng kamatis sa ref. "Wala lang, masama bang ma miss ka." He saw my hand gesture kaya pinigilan niya ako sa pagpatay ng tawag. Nonsense. "J-joke aside, ikaw ha pinagpapalit mona ako kay Fin, lahat ng kinuha niya nilagay mo sa higaan," he paused for a while before he continued, "tapos 'yung sa'kin nilagay mo lang siguro sa cabinet mo." Well that's real, ang panget naman kasi ng kinuha niya para sa'kin one year ago, halos maitapon ko ito nung binigay niya. "Totoo 'yun, pero ba't ka napatawag?" "Nagpa-party si Mama, some of her colleagues teasing me about their daughters, gusto nila na magpa-arrange marriage sa'kin." "Why not, you're handsome and smart at the same time, you can handle a family now." Natatawa kong sabi, mas lalo siyang napasimangot sa sinabi ko. "Or perhaps, ayaw mo dahil kay Tori." "Shut it Serenity, ayaw ko lang talaga, tsaka stop mentioning that name, para siyang linta kanina." Nag poker face lang ako sa kaniya, pake ko sa kanila, hindi ko naman sila tinignan ni isang beses dahil busy ako kasama si Fin. "Do you want to know the reason?" "Sabi mo ayaw mo lang talaga tas ngayon may reason ka?" I can't with this guy, I regret saying that he's smart, he's dumb as hell. "I'm waiting for someone, she's not aware for my feelings yet, tsaka I don't think may chance pa siyang mainlove ulit." He's not looking to his phone, malalim ang iniisip niya while saying those words. "There's still a chance, you know, if you continue pursuing her and demonstrate your worth even more." He brightened up at my words. "And make sure to show your affection, 'wag 'yong nilalayuan mo lang, and keep her updated regularly." "Yeah, exactly. Who were you referring to when you mentioned 'wag 'yong nilalayuan mo lang?" He caught onto that. Akala ko tanga parin siya hanggang ngayon. "Who else paba?" Sumimangot ulit siya, but sandali lang 'yun. "Hindi ka paba matutulog? Ako kasi oo e, good night na, see you tom." Siya na ang naunang magpatay ng call. Inalis ko na sa stand ang phone ko at 'saka tumalon sa higaan ko para maglaro. Tomorrow? Sana wala nanamang mangyari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD