Chapter 1. Isabelle

1284 Words
Hindi ko na mabilang kung nakailang lagok na 'ko ng tequila. Basta naramdaman ko na medyo nag-iinit na ang pakiramdam ko at umiikot na ang paningin ko. Saglit akong nagpahinga at isinandal sa sofa ang ulo ko habang nakapikit. Agad kong narinig ang boses ni Fred. Ang bagong ka-date ko. Hindi ko na rin mabilang kung pang-ilan na siya sa mga lalaking naka-date ko sa bilis kong magpalit. "Are you okay?" bulong nito sa tenga ko. Bahagya kong minulat ang mga mata ko para tingnan ito. "Yeah. Of course" sagot ko at ngumiti bago muling pumikit. Naramdaman ko ang pag-usog nito para mas lalong lumapit sa 'kin kasunod ng pagsiksik ng mukha nito sa leeg ko. He was giving my neck soft kisses kasunod nang pagdantay ng kamay nito sa hita ko. "Hey..." saway ko rito nang unti-unting umangat ang kamay nito papasok sa loob ng laylayan ng maikli kong dress. Nagmulat ako ng mata at bahagyang tinulak ito palayo. "Why?" nagtatakang tanong nito. "You can kiss me. But don't ever touch me without my permission." mariing sagot ko. "What?" Mas kumunot ang noo nito. Hindi ko na ito sinagot pa at nilibot ko ang tingin sa paligid para hanapin ang dalawang kaibigan ko na si Aira at Paula. Nakita ko agad si Paula na may kalampungan sa dance floor at si Aira naman mukhang missing in action na. Malamang umalis na ito kasama ang nahablot na lalaki. Well, kaya nga kami magkakaibigan, eh. Iisa lang ang mga hilig namin. Party, shopping, and men. Ang pinagkaiba ko lang, may limitation ako sa sarili. Kapag sumobra doon ang lalaking ka-date ko, ekis na siya. Pinilit kong tumayo para pumunta muna sa banyo bago ako umuwi. Hindi ko na sana papansinin si Fred at hahayaan na ito pero pinigil niya ako sa kamay. "Where are you going?" "Sa comfort room lang ako," sagot ko rito at tinuloy ang paghakbang. Sabi ko lang 'yon pero balak ko nang umuwi. Tinamaan ako agad sa mga nainom ko. "I'll go with you." Presinta nito at inalalayan akong maglakad. Hinayaan ko na ito. Mabuti naman. Akala ko kasi nagalit na ito sa pagtanggi ko. Pero pagdating sa CR ay bigla na lang ako nitong hinila sa loob at ni-lock iyon. Agad niya 'kong dinikdik sa pinto at nilamukos ng halik ang mga labi ko. "Hey! What the fvck are you doing?!" sigaw ko at pilit umiwas. Tila wala naman itong narinig at madiing pinisil-pisil ang malulusog kong dibdib. "Stop it! Ano ba?!" muling sigaw ko. Pilit ko itong tinutulak pero masyado itong malakas lalo na at nakainom ito. Imbes matakot nakaramdam ako ng inis at galit. Ilang beses na ba akong napagtangkaan ng mga lalaking takam makatikim sa 'kin? "Fred, ano ba?! Stop!" malakas ko itong tinulak. Napaatras ito. "Ano bang inaarte mo? Marami nang dumaang lalaki sa'yo 'di ba? H'wag kang magpanggap!" Muli ako nitong hinawakan nang mahigpit sa magkabilang braso Kung saan-saan dumadapo ang mga labi nito dahil sa pilit kong pag-iwas. Ang kapal ng mukha nito, ah! Humugot ako ng malalim na hininga at bumwelo. Buong lakas kong tinuhod ang nasa gitna ng mga hita nito dahilan para mabitawan niya ako. Napahawak ito sa maselang parte at namilipit sa sakit. He was groaning in pain. I smirked. "You as*hole!" Pagkasabi niyon ay mabilis ko nang binuksan ang pinto. "You b*tch!" rinig ko pang sigaw nito bago ako tuluyang makalayo. Halos takbuhin ko na palabas ng bar na 'yon sa kabila ng kaunting pagkahilo. Kung sino-sino na ang nasasanggi ko pero wala na akong pakialam dahil kailangan kong makalayo sa manyakis na 'yon. Unang araw pa lang namin nagkita gusto na agad kong tikman. Fvck him! Agad na akong sumakay ng sasakyan ko nang makarating sa parking area. Habang nasa daan ay pinipilit kong mag-focus sa kalsada at imulat ang mga mata kong namimigat ang mga talukap. "Come on. You can do it, Belle," kausap ko sa sarili habang nagmamaneho. Malayo pa naman mula sa bahay ang bar na pinuntahan ko para hindi ako madaling mahanap ng bodyguard ko kung sakaling mapansin na wala ako sa bahay. Mabuti na lang at wala na masyadong sasakyan. Nakita ko sa orasan ng kotse na 12:45 AM na. Panatag akong mas binilisan pa ang takbo pero ganoon na lang ang gulat ko nang bumulaga sa akin ang motor na mabilis rin ang takbo na biglang sumulpot sa kanan ng intersection. Bago pa sumalpok ito sa akin ay mabilis kong kinabig ang manibela pakaliwa para sana maiwasan ito pero huli na at nasalpok niya ang bandang likuran ng kotse ko. Tumama naman ang harapan ko sa poste ng traffic light. Naalog ang ulo ko sa impact at napasandal sa manibela. Unti-unti akong nag-angat ng ulo. Nakita ko ang yupi ng kotse sa harapan. Nanigas ang buong katawan ko at natulala sa nangyari. Kung hindi ako naka-seatbelt ay malamang tumalsik pa ako. Hindi ko magawang kumilos pero bigla kong naalala ang sakay ng motor. Nanginginig ang mga kamay na binuksan ko ang pinto at pinilit kong ihakbang pababa ang nangangatog ko ring mga tuhod. Agad kong nilibot ang tingin sa paligid. Nakarinig ako ng isang daing na tila nasasaktan. Tinungo ko ang likuran ng kotse at nakita ko ang nakatumbang motorsiklo at sa 'di kalayuan niyon ay nakahiga patagilid ang isang lalaki. Agad ko itong nilapitan. "K-kuya? I'm sorry. T-teka ta..tatawag ako ng ambulansya." Nanginginig at nauutal kong sabi. Tinitingnan ko ang buong katawan nito at wala akong nakitang bahid ng dugo. Mabuti na lang rin at naka-helmet pa ito kahit bahagyang nayupi iyon. Nanginginig ang kamay na kinuha ko ang phone sa bag ko at nag-dial. Ilang minuto ko itong pinapakalma hanggang sa dumating ang mga pulis at ambulansya. Sinakay nila ang lalaki sa ambulansya pero tumanggi na akong magpadala dahil wala naman akong natamong sugat maliban sa sakit ng ulo kaya inimbitahan na lamang ako ng mga pulis sa presinto. "Eh, Miss. Mukang nakainom ka, eh. Labag po sa batas ang magmamaneho under the influence of alcohol. Patingin po ng lisensya mo," wika ng isang police officer nang matapos kong ipaliwanag ang nangyari. Kinuha ko ang lisensya mula sa wallet ko na maswerteng nadala ko. Naalarma ako nang sabihin nilang hindi pa ako maaring umalis at kahit anong pakiusap ko ay hindi nila ako pinagbigyan. Sh*t ang malas naman! Ayoko na magtagal dito. Alam ko na isa lang ang sagot para makauwi ako. Patay talaga ako nito. Kagat ang ibabang labi na sinubukan kong tumawag sa bahay. Ang akala ko ay walang sasagot dahil tulog ang mga ito kaya hindi ko inaasahan na agad may sumagot niyon. "Hello?" boses ni Manang. "Manang-" Hindi ko pa man nasasabi ang pakay ay sumagot na ito. "Isabelle! Nasaan ka bang bata ka? Kanina pa naghahanap sa'yo ang mga tao dito. Galit na naman ang Mommy at Daddy mo." Bakas sa boses nito ang takot at pag-aalala. "M-Manang... n-nasa presinto po ako-" "Ano??? Anong ginagawa mo riyan?" Sinabi ko ang nangyari at wala pang sampung minuto ay dumating na sina Mommy at Daddy kasama ang mga bodyguard nito. Masama ang tingin nila sa akin at nilagpasan nila ako para dumiretso sa mga pulis. Tumayo ako mula sa kinauupuan at inayos ang sarili. "Ma'am, tara na po," aya sa akin ng isang bodyguard nila matapos ang ilang minutong paghihintay. "Pasensya na po, Ma'am." sabi sa akin ng isang pulis nang ihatid kami palabas ng police station na 'yon. Parang ito pa ang nahiya at natakot para sa buhay niya. Alam ko na binayaran na naman nila Dad ang mga pulis. Malamang nalaman rin ng mga ito na ang mga magulang ko ang may-ari ng isa sa pinakamalaking food company sa bansa at isang politician si Dad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD