My lips parted nang makita ang loob ng venue. Hindi pa sila tapos magdesign pero nakakabit na ang ibang lobo at mga fake flowers. May main stage kung saan sila nag s-set up ng mga micc, may banda kasi na kakanta dyan mamaya. Pumasok ako sa loob at binaba ko ang mga kutina sa hindi pa ayos na lamesa at mabilis ring lumabas. Bumalik na rin ako sa kwarto ko. Nang makita kong puno na ang cellphone ko ay binuksan ko na ito. I squatted on the floor at pinagdikit ang mga tuhod ko. Tuloy tuloy ang tunog nito, notification sa iba’t ibang social media app ang natanggap ko. Iisa lamang ang laman. Happy birthday. My lips rose. They remembered. Kinagat ko ang labi ko habang nagtitipa ng ire-reply sa kanila. Salamat. Naputol lamang iyon nang biglang tumunog ang cellphone ko at nag flash s

