"Bakit hindi ka bumaba roon at asikasuhin ang iyong magiging asawa?" "Hindi maganda ang pakiramdam ko ama" Katatapos lamang ng pamamanhikan, sila lamang ang nag usap tungkol sa aking kasal at napagkasunduan nila na ito ay gaganapin sa katapusan ng buwan, isang linggo na lamang mula sa araw na ito, kaya pakiramdam ko naubos na lahat ng lakas ko upang gumalaw Mukhang wala na talaga ako kawala ngunit hindi, ako ay naniniwala kay Manuel, kakapit ako sa kaniyang mga sinabi "Kanina pa siya nagsisibak ng kahoy habang tirik na tirik ang araw, abutan mo siya kahit tubig lamang" Hindi naman ang may gusto nito ngunit wala akong nagawa kung hindi kumuha ng maiinom ni Vivencio, ayokong magalit si Ama kahit ngayong araw lang muna Ayokong maulit muli ang nangyari noong nakaraan na atakihin siya sa

