Namangha ako sa ganda ng condo n'ya, kulay gray ang dingding at may mga nakasabit na paintings, medyo maliit lang iyon pero may isang kwarto at cr. "Wow," sabi ko dahil sobrang linis dito at sobrang organisado ng mga bagay sa bahay n'ya. Hindi ito ang unang beses na nakapunta ako dito pero ngayon ko lang na appreciate ang ganda at design nito. "I'll cook," he said at binaba ang susi sa counter. Napatingin ako sa kaniya. "Oh, nagluluto ka?" gulat kong tanong. "Yes, anong gusto mo?" sabi n'ya. He rolled up his sleeves up to his elbow at binuksan ang fridge sa hindi kalayuan.. "Kahit ano na lang," sabi ko. Hindi naman kasi ako maarte sa pagkain. Dahil sinabi niya na matagal pa naman iyon, nagdesisyon akong maglakad lakad muna sa condo niya. I stopped walking nang may makitang li

