------ ***Third Person's POV*** - "Hindi. She can't leave me, Mom. I won't let her leave me.” Mariin at punong-puno ng galit ang bawat salitang binitiwan ni Yashir habang nakatitig sa kanyang ina. Matigas ang kanyang tinig, nanginginig sa tindi ng damdaming pilit niyang kinikimkim. Mahigpit ang pagkakakuyom ng kanyang kamao sa gilid ng kanyang wheelchair, tila ba handang sumabog anumang sandali. Pakiramdam niya, maraming nawala sa kanya. And Azalea, she is the only one left for him. Kaya’t hindi niya matanggap ang ideya na mawawala pa ito sa kanya. Hindi siya papayag. He won't let his mother to take Azalea away from him. Gusto niyang tumayo. Gusto niyang puntahan si Azalea sa silid nito, pigilan ito bago pa man ito makaalis. Ngunit hindi pa niya kanyang gawin ito. Nakaka- bwisit ang

