------ ***Azalea’s POV*** - Ayaw kong umiyak. Pinipigilan ko talaga, pero hindi ko na kayang hadlangan ang mga luha. Tuloy-tuloy ang agos habang nakatitig ako sa kanya. Ramdam ko ang paninigas ng buong katawan ko—parang nagyeyelo sa gitna ng apoy ng sakit. Parang nahati ang puso ko sa gitna. “I’m sorry, what I mean is—” Hindi niya matapos ang nais sabihin. Tila nahihirapan siyang buuin ang susunod na mga salita, waring sinusukat ang magiging epekto ng bawat isa. “So, you really don’t love me after all these years,” mariin kong sabi. Paniniguro. Kahit nasabi na niya ang totoo. Ramdam kong basag na basag na ang puso ko. Parang unti-unti itong nadudurog sa bawat segundo ng katahimikan niya habang nakatingin ako sa kanya. “It’s not that. It’s not what I mean. Ang ibig kong sabihin ay—”

