------ ***Azalea’s POV*** - Lumipas pa ang ilang buwan. Masasabi kong unti-unti na talaga kaming nasasanay ni Yzari sa bago naming buhay—isang buhay na simple ngunit payapa. Araw-araw ay parang unti-unting bumabalik ang kulay ng paligid ko, kahit may mga alaala pa ring hindi madaling kalimutan. Si Yashir naman, nabalitaan ko na lang na talagang pumunta na sila ni Denise sa ibang bansa. Ayaw ko namang alamin pa ang mga detalye tungkol sa kanya, pero minsan, hindi ko rin mapigilan ang sarili kong magtanong kay Aiden. Ayon sa kanya, nagpakasal na raw sina Yashir at Denise sa ibang bansa. Aminado akong nasaktan na naman ako nang marinig ko 'yon. Ilang gabi rin akong halos hindi makatulog sa kaiisip na talagang wala na si Yashir sa buhay ko—na hindi na ako ang asawa niya, na hindi ako ang

