------ ***Azalea’s POV*** - Agad kaming sumugod sa ospital ni Aiden. Halos hindi na ako makahinga sa kaba habang nagmamaneho siya. Ang anak ko. Ang kaisa-isa kong anak na si Yzari. Kanina lang, nasa klase pa siya sa summer class. Tapos biglang tumawag ang yaya niya—umiiyak. “Ma’am, hinimatay po si Yzari. Dinala na po namin sa pinakamalapit na ospital. Nahihirapan po siyang huminga.” Halos mabitawan ko ang cellphone. Mabilis namin pinuntahan ni Aiden ang ospital kung saan dinala si Yzari. Ngayon, narito na kami. Sa ospital. Habang papasok kami sa emergency room, parang hindi ako humihinga. Parang may pumipiga sa puso ko. Hindi ko na alam kung kinakabahan lang ba ako o mas matindi pa doon. Basta ang alam ko, hindi ko kayang may mangyaring masama kay Yzari. Ang lakas ng t*bok ng puso ko

