------ ***Azalea's POV*** - Wala na akong nagawa kundi ang ipasyal si Senyorito Aiden sa paligid ng farm. Habang naglalakad kami, ikinuwento niya sa akin na kabilang pala siya sa angkan ng Montreal—ang pamilyang pagmamay-ari ng mansyon. Magpinsan silang dalawa ni Yashir. Hindi na ako gaanong nagtaka roon. Kitang-kita naman kasi sa kanya ang magandang lahi ng mga Montreal—mula sa tindig, hitsura, at kilos, hanggang sa pananalita. Habang kami’y naglalakad, hindi ko maiwasang makaramdam ng kaunting hiya at pagkailang. Para kasing hindi siya halos kumukurap sa pagtitig sa akin. Tahimik siyang nakamasid, at kahit wala siyang sinasabi minsan, ramdam ko ang bigat ng mga mata niyang tila sinusuri ang buong pagkatao ko. Aminado akong natakot ako noong una. Buong akala ko kasi, pareho sila ng ug

